Chapter 2

169 3 0
                                    

Dahil sa pagtututor ko sa kanya ay mas lalo kaming napalapit sa isa't isa..

dahil nga mas madalas na kaming magkasama .. palagi na kaming nagbobonding .. 

at marami pang activities na ginagawa magkasama..

kaya sobrang saya ko tlga .. napakabait tlga ni Lord sakinn.. (^_^)

kaso kapalit ng lahat ng kasiyahan ko .. ay may trahedyang nangyari ..

"tulong, tulong!! May nasusunugan dun .. Tumawag kayo ng bumbero!!"

"mare, mare!!!"

"oh mare, bakit anong meron? gabing gabi na?"

"mare sila Jeck nasusunugan!"

"Ano?! sige pupunta kami!!"

"anak, Aileen gising, gising!!"

"Ma huminahon po kayo.. Ano pong bang meron?"

"anak, sila Jeck.."

"po?! ano pong meron kanila Jeck?"

"anak, nasunugan sila!"

"ano?! Ma puntahan natin sila.."

nabigla ako sa sinabi ni mama, agad agad kaming pumunta kanila Jeck at tinanong kung anong nangyare..

"Jeck, Jeck, anong nangyari?"

"hindi ko alam Aileen, basta may bigla nalang sumabog.. tapos eto na.."

"wag kang mag-alala Jeck, maaayos din ang lahat.."

awang-awa ako kay Jeck nun, nakikita ko sa mga mata niya ang takot.. kalungkutan..

"Ma, pano yan, san na po tayo titira?"

"hindi ko alam anak, naubos na lahat ng ipon natin.. hindi ko na alam kung san kukuha ng pera para makarenta ng bahay natin.."

pagkatapos nun, nagkaroon ako ng isang magandang idea.. 

"ma, tutal naman po malaki yung bahay natin at tayo lang ang nakatira dun..."

"anak alam ko na yang iniisip mo... wag kang mag-alala, yan din ang naiisip ko.."

"talaga ma! naku! slamat po.."

"sige na sabihin mo na sa kanila.."

"sige po.."

"ahmm, Jeck, tita.. may naisip po kami ni mama na makakatulong po sa inyo.."

"ano yun Aileen?"

"ahmm, napagdesisyunan po namin ni mama na... samin nalang po kayo tumira.. tutal naman po .. indi naman po kayo naiiba samin.."

"naku, Aileen, hindi na.. nakakahiya naman.. hindi nalang .. salamat nalang.."

"Tita, gaya nga po ng sinabi ko sa inyo kanina, hindi naman po kayo naiiba.. kaya.. ok lang po tlga .. tutal naman po ehh malaki yung bahay.. tsaka kami lang pong dalawa ni mama ang nakatira dun.. sayang naman po kung hindi magagamit.."

"naku! Maraming salamat sa inyo, Sayo Agnes (mommy ko) pati narin sayo Aileen, hayaan nyo hahanap agad ako ng trabaho para makabayad ng pang renta namin.."

"naku Tita, wag na po .. tutal naman po marami narin po kayong naitulong samin ni mama, dahil nga po sa pagtulong niyo at pagpapautang samin ehh guminhawa po ang buhay  namin, kya eto nalang po ung pasasalamat namin.. kulang pa nga po ito ehh.."

"naku! maraming maraming salamat tlga.. pagpalain kayo ng Diyos.."

"Salamat po .. ahmm, pano po, Tara na po?"

Bakit Ba kasi sa Bestfriend ko pa? [ ON-HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon