Chapter 15

94 3 2
                                    

Ethan's POV

matagal ko na tong pinagplanuhan eh.. at sa tingin ko ngayon na ang tamang oras.. alam kong magkakaroon ng meeting ngayon ang staffs and faculty, kaya kinausap ko na ang lahat tungkol dito.. pinaghandaan ko itong mabuti, talagang kinontsaba ko pa ang mga estudyante dito at nagmakaawa pa ko sa mga teachers dito para payagan akong gawin to, buti nalang pinayagan ako!!! hahaha!!!

mas lalong lumakas ang loob ko nang dahil dun sa nangyari kahapon..

*FLASHBACK*

"HOY IKAW!!!!" narinig kong sigaw ni Aileen samin, nakita kong papalapit siya sakin at mukhang galit na galit.. ano nanaman kayang problema nito?

"A-Aileen?" naguguluhang tanong ko sa kanya..

"kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala? tapos makikita ko nakikipaglandian ka lang sa babae?" teka?! Si Vanessa ba ang tinutukoy niya.. tsaka hinahanap niya ko? bakit? uyy, miss niya ko!! hahaha!! 

"excuse me? kilala mo ba si Ethan Dela Rosa?" bigla namang nagsalita si Vanessa..

"oo naman!! kilalang kilala.." sagot niya..

"alam mo rin bang napakapopular din niyang tao?" tanong ulit ni Vanessa..

"oo!! alam ko yun, siempre kalat na yun sa buong school.." sagot ulit ni Aileen, mukhang naiinis siya.. haha..

"at sigurado namang alam mong lapitin siya sa mga babae.." hmmm, mukhang nage-gets ko na si Vanessa, haha!! gusto ko toh.. 

"then bakit ganyan ka makareact?" sabi ni Vanessa, sabi ko na ehh.. ^_____^

"huh?" 

"girlfriend ka ba niya para sabihan siya at pagbawalan makipagflirt?"

"a-ah, h-hindi niya ko g-girlfriend.."

"yun naman pala eh.. then wala kang karapatan sa kanya.." ouch! oy dahan-dahan sa pananalita.. hindi na nakasagot pa si Aileen, pagkatapos bigla nalang siyang umalis papalayo..

"Vanessa, over na yun ha.."

"pasensya na insan, prinoprovoke ko lang siya.. tingnan mo halatang nagseselos.." opo, pinsan ko siya.. kadadating lang niya from states and she visited me here sa school.. 

"haha!! oo nga.."

"pasalamat ka sakin ha.."

"oo na salamat na.." 

"ano pang hinihintay mo? habulin mo na.." tumakbo ako papalayo while waving my hand.. maya-maya lang nakita ko na si Aileen.. agad ko namang hinawakan ang kamay niya para pigilan siya..

"Aileen wait.."

"ano ba!!! bitawan mo nga ako!!"

"wait Aileen!! ano ba kasing problema mo? at bakit ka umiiyak?" nakita kong nagulat siya ng sabihin kong umiiyak siya.. mukhang hindi niya ata alam.. 

"w‑wala ito!!! dun ka na nga bumalik ka na dun sa babaing kalandian mo!! tutal dun ka naman masaya ehh.." oyy, nagpapakita siya ng signs!!! POSITIVE NAGSESELOS NGA!! HAHAHA!!! 

"Aileen! ano bang problema mo?! nagseselos ka ba?" 

"s-selos ako nagseselos? h-hindi noh, bakit naman ako magseselos? dun ka na nga!!!" pagkatapos nun umalis na siya.. hindi ko na siya hinabol, sinimulan ko na agad ang plano ko.. 

*END OF FLASHBACK*

kaya eto ang napaghandaan ko.. sana magustuhan niya.. sana magustuhan ni Aileen, oo magtatapat na ko sakanya.. siguro eto na ang tamang oras para umamin sa kanya.. pagkatapos kong masettle lahat, pinatawag ko na si Aileen.. kinakabahan ako.. sana magustuhan niya.. sana maging maganda ang resulta.. maya-maya lang nakita ko na siya.. 

Bakit Ba kasi sa Bestfriend ko pa? [ ON-HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon