Chapter 19

134 5 5
                                    

humarap siya sakin habang ako naman ay nakayuko dahil sa sobrang pagod.. ang lalaki naman kasi ng hakbang ng lalaking to. . buti nalang at naabutan ko siya..

hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luha sa mga mata ko.. 

"nakakainis ka! nakakainis ka talaga! bakit hindi mo sinabing umuwi ka na! bakit hindi ka man lang nagparamdam! kinalimutan mo na ba talaga ako? bakit mo yun nagawa ha? di ba magbestfriends tayo pero bakit! bakit mo ko kinalimutan ha!! sumagot ka!!!" sabi ko habang sumusuntok suntok sa dibdib niya..

"ah, pre una na muna kami ha.."

narinig kong sabi nung kasama nyang lalaki..

"ano! bakit hindi ka makapagsalita jan ha? bakit? alam mo bang halos mabaliw ako sa sobrang pagkamiss sayo tapos echapwera lang pala ko sayo.. nakakainis ka! nakakainis ka talaga Jeck!!!" pagkasabi na pagkasabi ko nun eh niyakap ko siya at dun humagulgol ng iyak..

pero nagulat ako ng ilayo niya ko mula sa kanya.. 

"ah miss hindi kita maintindihan.. ano bang pinagsasasabi mo? tsaka hindi naman Jeck ang pangalan ko.. Im Ralf.."

nabigla ako sa sinabi niya, agad kong pinunasan ang mga luha ko para hindi maging blurred yung paningin ko.. nang tingnan ko kung sino ang nasa harapan ko.. hindi si Jeck ang nakita ko.. 

pero paanong nangyari yun? sigurado naman akong siya yung lalaking narinig at nakita ko kanina.. pero bakit hindi si Jeck ang nasa harapan ko ngayon? bakit ibang tao to?

"ah, miss.. pwede bang pakipaliwanag kung anong nangyayari? joke lang ba to?"

"joke? ah, o-oo.. joke lang to.. hehe.. n-nagpapraktis kasi ako para sa play namin.. may ganitong scene kasi.. pasensya ka na ha.. naistorbo pa kita.. sige sorry at salamat na din.."

"ah, sige ok lang naiintindihan ko.. kinabahan lang ako.. haha! sige mauna na ko.."

"sige, pasensya na ulit.."

mali. . nagkamali lang pala ako.. kaboses lang pala ni Jeck yun.. wala talaga si Jeck.. ;'(

"Aileen"

napalingon ako sa tumawag saakin. . tiningnan ko kung sino siya.. si Ethan pala.. 

"a-ah, E-Ethan, ikaw pala yan..bakit ka nandito?"

"hinahanap kita" sabi niya with a cold tone at seryoso siyang nakatingin sakin. . ngayon ko lang ulit siya nakitang seryoso.. hindi ako sanay.. parang natatakot ako..

"g-ganun ba? pasensya ka na ha.. may n-nangyari lang kasi.." naglakad ako malapit sa isang puno at naupo sa damuhan..

"bakit bigla ka nalang nawala? anong nangyari.." tumabi siya sa akin at pagkatapos ay nakita ko siyang tumingin sa langit.. 

"w-wala, hindi naman importante.. w-wag nalang nating pagusapan.."

"akala mo ba hindi ko nakita.."

nakita? ibig bang sabihin nakita niya yung kanina? magsasalita na sana ako ng bigla ulit siyang magsalita..

"nakita ko kung paano ka umiyak sa harapan ng lalaking yun.. sa lalaking inakala mong si Jeck.."

napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng makita kong nakatingin din siya ng sakin.. natatakot ako sa kanya.. hindi ako sanay makita siyang ganito.. sanay akong palagi lang siyang nakangiti.. kinakabahan ako..

"bakit Aileen? mahal mo parin ba siya?" nanalaki ang mga mata ko sa narinig ko.. paano niya nalaman? napangiti siya saglit pagkatapos ay bumalik na ulit ang tingin niya sa langit..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Ba kasi sa Bestfriend ko pa? [ ON-HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon