Chapter 3

31 0 0
                                    

Nagising ako sa katotohanan na panandalian lang talaga ang naramdaman kung saya, kaya nagpasya ako na tumigil na at mag move on para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

"Ano, okay ka na ba talaga?" She asked me for the fifth times and yet kapag sinagot kung okay na ako, aba itatanong ulit.

"Oo nga, paulit - ulit ka na" i answered irritatingly " may mga bagay talaga na hindi natin maiiwasan" pagpapatuloy ko

"Hala Eli, di ka okay, para kang sira, baliw ka na ba?" hinawakan niya ang noo ko
" nilalagnat ka ba?"

"Gaga, di noh, natuto lang ako"

"Ay bes, basta nandito lang ako, kapag nabaliw ka, wag kang mag alala dadalawin kita sa mental"

"Thank you ah, bait mo naman" i plastered a plastic smile

Okay na talaga ako ngayon, i just realized na ang bilis ko naman kasi maniwala kaya ako naloloko. Nadala ako sa mga salita niyang mabulaklak, ang tanga ko kasi, naniwala agad ako.

Maaga kami pumasok ni Aria dahil trip lang namin, dumiretso kami sa locker room para kunin ang libro namin sa calculus. Malas nga lang dahil nandito din si Jm.

Nagdire- diretso lang ako sa pagkuha ng libro, wala akong balak kausapin o tignan siya dahil sa naiinis pa rin ako sa kaniya"Eli can we talk?" nagkunwari akong hindi siya narinig, bakit pa? niloko na nga niya ako, ano pa ba ang pag uusapan namin?

"Psst" kinalabit ako ni Aria " mag- usap daw kayo, naku Elizabeth ah, wag kang magpaloko diyan"

"Ano ako tanga, di noh, di ko siya kakausapin" umalis kami ng sabay ni There at dumiretso na sa room

Nag start na ang klase and as usual boring na naman, ewan ko ba kung bakit bored na bored ako sa history.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko sa bag, sino naman kaya ang tatawag ng ganito ka aga, hindi naman pwede si mama dahil naka duty siya sa hospital, nurse si mama kaya minsan ala siya sa bahay, minsan night ship pa.

Nagpaalam ako para masagot ang tawag ni mama " hello ma, bakit po?"

"Hello is this Elizabeth?"  teka hindi ito si mama

"Ah opo, bakit po? asan po si mama?" Sunud- sunod na tanong ko, hindi kasi ako mapakali

"Pwede ka bang pumunta dito sa ospital, hinimatay kasi si Mama mo, pero okay naman na siya"

Hindi ko na nasagot kung sino man ang nasa kabilang linya, nagmadali akong lumabas ng school, nag abang ako ng tricycle pero ala pang dumadaan, kung kailan nagmamadali ka doon pa wala.

Nag aalala ako kay mama, dalawa na nga lang kami tapos ganito pa, namatay kasi si papa noong elementary pa ako, inatake sa puso.

Naiiyak na ako dito habang palakad lakad, di ko naman pwedeng takbuhin dahil medyo malayo ang ospital mula dito sa school

"Saan ka pupunta?" nagulat ako ng may magsalita sa bandang likuran ko.

Hindi ko siya pinansin at tumingin na lamang sa direksyon kung saan nanggagaling ang mga tricycle. Bakit ngayon pa kung kailan nagmamadali ako aisshh.

"Saan ka ba kasi pupunta?"

Kulit naman nito " wala kang pakialam pwede ba"

"Ang sungit mo, di ka naman maganda" nagpantig ang taenga ko sa sinabi niya

"Hoi, ikaw paasa ka" dinuro ko siya "pwede ba kung wala kang magawa, pumunta ka sa girlfriend mo, mag date kayo" sigaw ko

"We broke up" hindi na ako nagulat dahil normal lang naman sa manloloko ang mag pabago bago ng girlfriend.

A Thousand Words to SayWhere stories live. Discover now