Chapter 4

29 0 0
                                    

Nagising ako na masama ang pakiramdam pero pinilit kong tumayo at pumasok, ayaw ko na mag isa lamang dito sa bahay, wala si mama dahil maaga siyang pumasok sa ospital.

Wala din namang mag aalaga sa akin kung sakaling naisip ko na mag stay dito.

Nag dire- diretso ako sa room kahit na medyo nahihilo ako, siguro pwede naman na matulog kahit konti dahil medyo maaga pa naman.

Inilagay ko ang bag sa ibabaw ng lamesa at saka ko ginawang unan, ang sama talaga ng pakiramdam ko, paano kaya ako nito buong maghapon?

Mga trenta minuto din akong nakatulog pero noong pagkagising ko ang init na talaga ng pakiramdam ko at nagsimula na din na magdatingan ang mga kaklase ko.

"Bes, bakit ang aga mo?" Narinig ko ang boses ni Aria na akala mo eh naka mega phone sa lakas

Naramdaman ko ang pagtabi at paghawak niya sa noo ko

"Gosh, Eli! Ang init mo!"

"Oo na, wag kang maingay lalong sumasakit ang ulo ko!" lalo kasing nakadagdag ang ingay sa pagsakit ng ulo ko.

"Umuwi ka na, hindi pwede 'yang ganyan!" maotoridad niyang sabi

"Wala akong kasama sa bahay" mahina kong sagot

"Para saan pa na nandito ako! Ano ka ba!"

"Bahala ka" mahina kong tugon

Itinayo niya ako at inalalayan, buti na lamang at medyo kaya ko pa na maglakad, pwede naman na sa clinic na lang ako para wala na akong maabala pa.

"Sa clinic na lang kaya?"

"Bakit?, di mo na ba kaya?"

"Kaya naman, pero, kasi ayaw ko na mag absent ka dahil sa akin! doon na lang ako magpapahinga sa clinic!"

"Sure ka ba? Nag aalala ako sayo eh"

"Okay lang ako, kaya ko naman"

Nakarating kami sa clinic, wala namang ibang studyante kaya mabilis lang ako na, na-assist.

Pina inom ako ng gamot para sa lagnat at pinahiga sa higaan.

"Nurse okay lang po ba ang kaibigan ko?" nag aalalang tanong ni Aria

"Yes, kailangan niya lang ng pahinga, after that magiging okay na siya" sagot ng nurse

"Sabi ko sa'yo okay lang ako, pumasok ka na!" Pagtataboy ko sa kaniya, buti naman at agad naman niyang sinunod.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng biglang may pumasok sa clinic.

"What can I do for you?" tanong ni nurse Judy

Hindi ko makita kung sinong dumating, narinig ko lang ang pagbukas sara ng pintuan.

"I need to see my future girlfriend!" sagot naman ng lalaki

Medyo familiar ang boses niya pero di ko na nagawang mag isip pa kung saan ko iyon narinig, nakakadagdag kasi ng sakit ng ulo ang pag iisip.

Siguro ay may girlfriend siya na nandito din sa clinic, may mga tabing kasi na nakaharang sa bawat kama dito.

"Nurse, nasaan po ba si iska?"

Napadilat ako ng mga mata sa gulat, si mama, there at jm lang naman ang tumatawag sa akin niyan, so it means na si jm ang lalaki na 'yun

Hinawakan ko ang dibdib ko na mistulang nag uunahan sa pagtibok.

Ano naman kaya ang problema ng lalaki na' to? subukan niya lang na lumapit dito, makakatikim siya kahit na nanghihina ako.

A Thousand Words to SayWhere stories live. Discover now