Chapter 1

15.2K 19 0
                                    

          Lahat naman ng tao gustong magkaroon ng happy love life diba?. Pero bakit napaka unfair naman ng tadhana? bakit yung iba nakikita nila agad ang kanilang happy ending, isang try lang sapol agad tumatama agad sila. Eh Bakit ako nakailang try na laging sablay!. 

 Simula ngayon ng pasukan sa School at ngayong taon ay nasa 3rd year college na ako sa kursong Human Resources Management, excited ako dahil may mga bagong mga estudyante at mas marami ng pogi ang nadagdag sa campus namin. Sana naman isa na sa kanila ang forever ko. Naglalakad ako sa Hallway ng aming paaralan ng may biglang sumigay ng pangalan ko "JHARMAINE GIFT SEBASTIAN",  na agad tumawag ng aking atensyon, si Lester lang pala ang nag iisa kong matalik na kaibigan na lalaki, madalas syang pagselosan ng mga na kakarelasyon pero never sumagi sa isip ko na layuan sya kasi super bait nya.

Pagkatapos kung makipag kamustahan sa kaibigan kong si Lester agad na akong nagtungo sa room namin dahil super excited akong makita ang mga tropa ko na sila Jhen, Michelle , Faus , KC at Jessica. Nasa labas palamang ako ng aming room ay narinig ko na agad ang kanilang mga tawanan hayst ayan nanaman sila sa walang katapusang kwentohan tungkol sa kanilang bakasyon at syempre hindi mawawala ang mga malilibog na usapan, kung may boy's talk syempre may girl's talk na mas malala pa sa usapan ng mga lalaki hehehe. 

Pagpasok ko sa pinto lahat sila nag tilian na parang nakakita ng multo na ewan, dko alam ko matatawa ba ako o mahihiya kasi lahat ng mga classmate namin napalingon sa akin at naging center of attraction ako ng wala sa oras. " Mga baliw talaga kayo anu tingin nyo sakin multo??" inis kong sabi sa kanila at agad silang nag tawanan tapos niyakap ako ni jhen at ginulo ang aking buhok " namiss kita gift bakit hindi ka nag paramdam noong bakasyon natin? lumandi ka nanaman siguro no??" pang asar na tanung ni jhen sakin na tinawanan ko nalang.

________________________

Di madaling maghintay, Di rin madali ang mag mahal minsan  akala mo sya na.              Minsan akala mo okey na pero di mo mamalayan na dumaan lang pala sya sa buhay mo para saktan ka.

Hugot pa more! Thank you! po sa mga nag basa please follow nyo po ang story :).




PatikimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon