Special Chapter #2

2.2K 75 7
                                    

Special Chapter #2

Here’s the second SC. Hope you like. Enjoy reading! :)

(Yoona)

Haggard, that’s what I look like. Nakakaasar naman kasi ang Shet-head na sobrang kapal ng mukha at sobrang tigas ng bungo. He won’t really stop! Labas pasok na siya ng opisina ganun din sa condo ko. Langya.

“Sa susunod, tutuluyan na talaga kita.” Malamig ang boses na sinabi ko sa kanya nang madatnan ko siyang prenteng nakaupo sa sofa ng unit ko.

He grinned and I freaking hate it ‘coz dammit, ang gwapo ng gago!

“I cooked dinner--”

“You don’t have to do this.”

“I need to unless you accept my offer,” cool naman niyang sagot.

Ang shet-head na to.

“Tsk. Kumain ka mag-isa.”

I walked fast towards my room but then he blocked the way.

“Dinner first before work.”

I sighed and shook my head. I walked pass through him but he grabbed my arm.

“Dinn--”

“I’m freaking tired. Can’t you just stop and leave me alone,” walang habas at inis na sinabi ko.

Langya, wala na. Nasabi ko na. Asar ko siyang tiningnan pero natigilan ako nang malungkot siyang ngumiti. He nodded and let go of my arm. He reached for my head and kissed my forehead.

“Take rest then if you’re hungry, eat the food I prepared for you. Good night.”

I don’t know what had gotten me but I just stood there. I just heard the door shut and then I’m all alone. I blinked twice saka marahas na nagbuga ng hangin. Umiling ako saka diritsu nang pumasok sa loob at humilata.

Di na ko nag-shower o nagpalit ng damit. Pinikit ko na lang ang mga mata ko.

Nagising ako sa ingay ng alarm clock na nasa side table. Antok na antok akong naupo sa kama saka pinatay ang alarm.

Though I’m still sleepy, I did my morning routine.

Nagblo-blower na ko ng buhok nang lumabas ako ng kwarto nang madatnan ko ang tahimik na kitchen. No trace of shet-head, tanging ang pagkain na niluto niya lang kagabi.

I creased my forehead. He’s not here? Himala yata na— I shook my head and shooed my thoughts away. I heated the food last night and eat silently.

Pagkarating ko ng parking lot. Wala ring shet-head na nagpakita. Tsk, baka nauna na siguro sa office just like the other day.

I get inside my car and started the engine.
Tahimik lang ang buong biyahe ko at pagkarating sa opisina, napakunot noo ako nang wala rin… siya.

I sighed and sat in my chair. I started doing my task. Paminsan-minsan napapatingin ako sa gilid. Langya, sa gilid ko kasi siya nakaupo habang walang sawa sa pagdadaldal.

“Yoon!” Tawag ng isang kasamahan ko sakin, si Drik.

“Hmm…”

“Ba’t wala yata ang boyfriend mo ngayon?”

“Oo nga, sayang di kami malilibre sa pagkain.”

I turned around and looked at them.

“Di ko yun boyfriend.”

“Aysus! Denial talaga,” hiyaw ni Felix.

“Aminin, name-miss mo no?” Segunda naman ni Drik.

She's SniperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon