DIE AT FIRST LOVE

1 0 0
                                    

"Ano ba ang gusto mo ah?! Maghiwalay tayo?! Sige, maghiwalay na tayo?!"

"Ano ka ba, baka magising ang anak mo!?"

"Ano? Natatakot ka?! Natatakot ka na baka malaman nyang nambababae ka?! Ha?!"

"Tumigil ka na."

"At ako pa ang titigil ngayon?! Ang kailangan patigilin ngayon ay yung pambababae mo?!"

"Tumigil ka na sabi e!!"

*Slap*

Bigla akong napatayo sa narinig kong malakas na pagkasampal ni Papa kay Mama.

Dali-dali akong bumaba ng kwarto at lumakad pababa.

Lagi na lang ganito. Lagi na lang silang nag-aaway.

Hindi ba sila nagsasawang magbatuhan ng masasakit na salita sa isa't-isa?

Nagpakasal pa't nagkaanak, ngayon nagsasampalan lang.

Nakakasawang mga magulang.

"Ano na naman bang problema?" Marahas kong tanong habang tinutulungan kong tumayo si Mama.

"Yang nanay mo! Napakabungangera!!" Sigaw ni Papa at aakma pa sanang saktan si Mama pero pinigilan ito ni Gina. Ang stepsister ko. Hindi ko nga alam kung bakit nandito to e.

"Walang hiya kang babaero ka!"

Bigla naman akong natigilan sa sinabi ni Mama.

Ano? Nambababae si Papa? Lagi syang naglalasing at nagsusugal sa casino pero nambabae? Ngayon pa lang ata niya ginawa.

"Ano?!" Marahas kong tanong kay Papa.

"Wag mong sabihing naniniwala ka dyan sa bungangera mong ina?!"

Tiningnan ko naman si Mama bilang hudyat sa tanong kung totoo ba ang sinasabi niya.

"Ako pa ang pinalalabas mong sinungaling?! Kitang-kita ko kayo ng malandi mong anak na yan na naghahalikan dun mismo sa kwarto mo!!"

What the?!. Walang hiya.

Ang stepsister ko pa palang malandi ang babae ni Papa?

"Totoo ba?!" Pasigaw kong tanong kay Gina.

Tinngnan nman niya akong parang wala siyang pakialam sa tanong ko at nakahawak parin sa braso ni Papa.

"Totoo ba?!!"

"Oo bakit?!"

Shocks.

Parang gumuho ang kalahati ng mundo ko.

Hindi ko na alam kung ano ang ikikilos ko.

Ang naririnig ko na lang ay ang paghagulgol ni Mama.

Hindi ko alam na aabot pa sa ganito ang lahat.

Hindi ko akalain na tuluyan ng masisira ang pamilya namin.

Dahil sa stepsister ko na itinuring kong kadugo.

Parang nakita ko naman kay Papa na totoo nga ang sinabi ni Ate Gina kaya napaluha na rin ako. Hindi ko akalaing mangyayari ang lahat ng to. Lagi silang nag-aaway pero never kong naimagine na iiwan kami ni Papa at ipagpapalit sa STEPSISTER ko.

Sabay naman silang lumkad papunta sa pintuan.

"Bwisit na pamilya!" Papa.

*Boghs*

Wala na si Papa. Iniwan na niya kami.

Hindi ko lubos maisip na dahil lang sa isang gabi ay mabubuwag na ang pamilya namin.

DIE AT FIRST LOVE(oneshot)Where stories live. Discover now