"Gwapo talaga ng boyfriend mo." komento ko pagkatapos maishoot ni Jacob ang bola na nagdulot ng matinding hiyawan sa gymnasium.
"Crush mo na rin?" tanong niya.
Napatingin ako kay Oly, classmate ko siya since Grade 7. At sa loob ng apat na taon namin sa Junior High, naging close friends kami.
"Hindi pa rin." at nginitian ko siya.
"Mabuti naman." at gumanti siya ng ngiti at itinuon na ulit ang atensyon sa mga naglalaro sa court.
Kase ikaw lang ang crush ko, ang gusto ko at ang mahal ko.
Hindi ko alam kung kailan o paano ako nagsimulang nahulog sa kanya. Basta isang araw sigurado na lang ako na lahat ng nararamdaman ko ay sintomas na tinamaan ako ng pag-ibig para sa kanya.
--
"Pasabay!" sabi ng nilalang na biglang ikinawit ang braso sa braso ko. Tinig palang, kilalang kilala ko na.
Puso, kumalma ka. Si Oly lang yan. Mahal mo lang 'yan.
Napatingin ako sa kanya, matamis ang ngiti sa labi niya.
"Si Jacob?" tanong ko sa praktisadong kalmadong tinig.
"Victory party." maiksing sagot nito.
"Bakit 'di ka pumunta?" may pagtataka sa tinig ko.
"Ayaaaaaw koooo." at ngumuso pa siya.
"Sila Jaja?" tanong ko, tukoy sa mas malalapit na kaibigan neto.
"Mamaya pa sila uuwi. Gagalaaa paaaa sila."
"Bakit 'di ka sumama?" takang tanong ko pa rin.
"Gusto kitang makasama e." sagot niya na hindi tumitingin sa akin.
Kikiligin na ba ako? Pero puso, kalma lang a? Sanay ka na sa mga ganyang banatan ni Oly, 'di ba?
"Uy, gusto kong kumaen ng kwek kwek. Tara!" at hinila niya ako palapit doon sa nagtitinda.
--
Naglakad kami pauwi para raw mas mahaba yung time namin makapag-usap.
Mga bente minutos ang normal na walking distance from school hanggang sa bahay nila, at bente singko naman sa amin. Magkalapit lang kasi yung mga tahanan namin.
Pero sa bilis ng paglakad namin, aabutin kami ng trenta minutos bago makauwi.
Pabor sa akin.
Bente minutos na ang lumipas na puro kwentuhan at tawanan habang naglalakad.
"Laro tayo?" sabi niya.
"Anong laro naman?" curious na tanong ko.
"Truth game."
"Paano iyon?"
"Magsasabi ako ng truth about sa akin na wala pang ibang nakakaalam. Bawal magtanong. Okay? Truth comes after truth. So after ko magsabi ng truth about sa akin, magsabi ka agad ng truth about sa iyo." paliwanag niya
Tumango ako.
"Sige. Ikaw mauna." sabi ko.
"Hindi ako fan ng chocolates. Kaso nahihiya akong sabihin kay Jacob na 'wag niya na akong bigyan ng mga ganun."
Pansin ko yan. Kaya nga 'pag binibigyan ka ni Jacob, halos ipakain mo sa akin lahat e.
"Ayaw kong nanunuod talaga ng basketball. Hindi ako fan."
Pero gusto kase kitang makasama e, gusto kitang makitang masaya kahit na chini cheer mo siya.
"Never kong naging crush si Jacob." sabi niya agad.
"Really?" gulat na tanong ko.
Akala ko.
"Hep! Bawal magtanong." paalala niya.
Tsk! Mautak!
"Hindi ko naging crush yung kateam ni Jacob na si Oliver." sabi ko.
Siya naman ngayon ang nagbigay sa akin nang nagtatakang tingin. Pero humugot siya nang malalim na hininga, siguro dahil naisip niya siya rin ang nagsabi ng rule ng game.
"Na-pressure lang akong sagutin si Jacob."
Hindi ko alam kung anong eksaktong mararamdaman ko sa takbo ng usapan namin na ito.
Pero go with the flow lang.
"Hindi si Oliver yung tinutukoy ko na O doon sa poem about sa basketball court."
Tiningnan niya ulit ako. May emosyon akong nababanaag sa mga mata niya pero hindi ko matukoy kung ano yun.
"I learned to like Jacob pero hanggang like lang yung kaya kong ibigay sa kanya."
At meron kung ano sa tinig niya na kahit pahina nang pahina habang nagiging bukas siya sa pagsasabi ng katotohanan, ramdam ko yung tensyon.
Kase maging ako, nararamdaman ko sa loob ko. Pero hindi ko alam kung anong meron sa larong ito na yung ilang taon kung tinago, parang ilang minuto na lang maaamin ko na.
"Yung O na tinutukoy ko ay nasa classrooom."
Pero nakarating na kami sa tapat ng bahay nila. Huminto kami, at kasalakuyang magkaharap.
Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mga mata.
"Matagal ko nang naisip itong game na ito."
"Sana kasing talino mo ako at naisip ko na rin ito dati."
Ngumiti siya, malungkot.
"But this will be just a truth game that will set me free."
Are we still on the game?
"I don't know if everything will still be the same, pagkatapos ng ito. Nakakatakot isipin." voice out ko sa naiisip ko.
Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Inaantay ko kung ano ang susunod na sasabihin niya, kung tapos na ba ang game o isa pang katotohanan mula sa kanya.
"Mahal kita, Siena." basag niya sa katahimikan. Pero kasinglungkot ng ngiti niya ang tinig niya.
"Mahal rin kita, Oly."
Pareho kami nang nararamdaman pero hindi ko maramdaman na magiging masaya ang pagtatapos.
"Sana iba yung sitwasyon ngayon." basag niya sa katahimikan, malamlam ang kanyang mga mata.
"Sana wala siya sa buhay mo." sabi ko sa mababang tinig. Napayuko siya.
"Sana lalaki ka na lang o lalaki na lang ako." sabi niya bago ako talikuran at humakbang papasok ng bahay nila.
Sana mas matapang ka at ako para sa "tayo".

BINABASA MO ANG
One Shots
Romance"Yes, one shot. Yung ending? Depende sa choice mo, sa choice niya at higit sa lahat, sa choice ng tadhana. But whatever it is, it's just either you got it or you missed it. Pero minsan rin pala, hindi mo rin alam kung may katapusan ba."