Breaking Rule No. 1

22 2 0
                                    

"Why do we need to have rules, Yannah?" nagtatakang tanong ni Cayle sa akin, pagkaharap niya sa akin. 

Napanguso ako pagkarinig sa tanong niya. Kahit kailan 'tong taong ito, maraming tanong. 

"Umo-o ka na lang kaya." sagot ko sa kanya.

Itong napakaganda kong ideya ay para rin naman sa amin, lalo na sa kanya. Pero hindi niya na dapat pang malaman, 'di ba?

"Okay, fine. Alam ko naman na kahit 'di ko sumang-ayon ngayon, kukulitin at kukulitin mo pa rin ako." pagsuko niya. 

Buti naman at kilala niya na ako. 

"Yehey!" masayang wika ko. Buti na lang may topak siya at madali siyang kausap ngayon. 

"Anu-ano bang rules ang naiisip mo dyan sa napakataba mong utak ha?" yung tono ng pagtatanong niya parang wala siyang ktiwa-tiwala sa akin. 

Grabe. Pero nginisian ko na lang siya.

"RULE NUMBER ONE, DON'T FALL IN LOVE WITH EACH OTHER." sabi ko. 

Tinaasaan niya ako ng kilay.

"O, bakit mo ako tinataasan ng kilay?" sinusubukan kong lakipan ng kasungitan ang boses ko, pero ewan ko ba. Mukha lang akong masungit pero 'di ko talaga kaya. 

"Saan mo ba pinupulot yang mga ideyang pumapasok sa isip mo?" balik tanong niya at marahang pinitik ang noo ko. Napasimangot tuloy ako.

"Kase masyado akong maganda at alam ko namang mahihilig ka sa maganda. Hindi malabong magustuhan mo ako." panimulang paliwanag ko. Lalo lang niya akong pinagtaasan ng kilay. "Pero hindi ka pwedeng ma-inlove sa akin. Masasaktan ka lang, for sure. Maliban sa mahal na mahal ko pa rin ang ex ko. Straight ako. So kailangan natin ng rule na ito, para ipaalala sa iyo na HUWAG AKO." pagtatapos ko sa paliwanag ko. 

Tinitigan niya ako nang mataman. Tapos maya-maya ay ngumiti ng nakakaloko. 

"Maganda ka, oo." sabi niya sabay tingin sa akin mula baba pataas sa aking mukha. "Malaki ang hinaharap mo, oo." dugtong niya pa na dahilan upang mapatakip ako sa malulusog kong hinaharap. 

"Bastos!" singhal ko pero tinawanan niya lang ako.

"Pero hindi kita type, Yannah. So, limitahan mo yang imagination mo. Okay?" dagdag pa niya sabay gulo sa buhok ko na parang ginagawa niya sa alaga niyang aso. "At higit sa lahat..." hinawakan niya ang mga pisngi ko at tinitigan ako. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nailang. "...we're friends, I don't do friends. Kaya that rule is pointless." sabi niya naman na nang seryoso.

"Do do do ka dyan. Do do do mo mukha mo."  sabi ko sabay tanggal ng pagkakahawak niya sa mga pisngi ko. "Ahh, basta. Para malinaw, mahirap na. Para sa iyo rin naman ito." pinal na desisyon ko.

She crossed her arms with finally a smirk on her face. 

"Baliw ka talaga. Pero ikaw ang bahala." 

"Good. So, rule number 2?" tanong ko sa kanya.

"Rule No. 2. We will only have one rule." 

"Ay, boring." komento ko.

"Ano? With one rule or no rule at all?" pagbabanta niya.

"OO na. Tara na nga sa beach." sagot ko at naglakad na palayo.

--

"Oy oy oy, bakit kanina ka pa nakatitig sa akin? Pinapaalala ko sa iyo, RULE NO.1." sabi ko sa kanya nang mapansin kong kanina pa siya busy na titigan lang ako habang gumagawa ako ng sketches. Kasalukuyan siyang nakatambay sa unit ko. Tinawanan niya lng ako.

One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon