Miss M

5 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa beach party ng kaibigan ko. Pero lumayo muna ako at mas lumapit pa sa dalampasigan para magtipon ng lakas ng loob.

"Gusto mo ng pepero?" alok sa akin ng isang tinig. Agad naman akong napalingon, hindi nagduda sa kung sino ang may-ari ng tinig na iyon.

Armie.

She's gorgeous and seductively sexy in a way that makes me hungry. Lol. Ni hindi nga ako nag-abalang tingnan ang hawak niya, kasi mas masarap pa siya sa mga iyon.

Sorry not sorry. Nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko. Noon hanggang ngayon.

Tandang tanda ko pa noong unang beses siyang pinakilala sa akin, hindi ko alam kung ano ang dapat kong tagalan ng tingin, ang maganda niya bang mukha o ang malusog niyang dibdib.

"Gusto ko ng pepe--" putol ko sabay kindat. Binatukan niya agad ako. "RO."

"Bwisit ka!" inis na sabi nito. Agaw pansin ang pagtaas baba ng dibdib nito. Busog lusog talaga. 

Dati rati, lagi kong nasasabi na ang swerte nang taong magiging malapit sa suso, este, puso ni Armie. Pero ngayon, hindi na.

Dahil sa dami man ng matitinong taong handa siyang mahalin--- sa isang pilyang katulad ko siya bumagsak.

"Huwag kang mainis. Masyadong naeemphasize yang maganda mong future." komento ko.

"Tss. Ang manyak mo talaga, Marle! Ni hindi mo man lang yan iniwan sa Manila."

"Pero tong manyak na 'to, mahal na mahal mo. Yieeeee."

"Tse! Subsob kita e!"

"Subsob mo ako sa boobs mo, mie." pang-aasar ko pa rin.

"Puro kamanyakan ang banat mo sa akin, Marle!" namumula niya nang sabi at tumalikod na sa akin. Kahit kailan talaga madali pa ring mapikon 'to.

Agad naman akong tumayo at binack-hug siya.

"Nako naman, ang miemie ko nagtatampo na agad."

"Paano, lagi ka na lang ganyan!"

"Asus, manyak man ako sa iyong paningin--- eh, manyak talaga ako Mie! Masanay ka na." biro ko pa rin.

"Kita mo na. Tssss! Kahit sana kaunti dapuan ka naman ng kasweetan."

"Sus, kakornihan lang iyon."

"Mas gusto ko pa iyon keysa sa pagiging M mo masyado." komento niya na naman.

Kiniss ko na lang ang pisngi niya.

"Mie mie-- gusto kong matikman ang masabaw mong--

"What the--!" At bahagyang lumayo siya sa akin.

"Sige na Mie, gusto kong mahawakan ang----

"Hmp!"

"Please Mie, gusto kong makita ang--

"Marleeee! Tama na! Ayoko nang laging ganito!"

"Miee."

"Balik tayo sa party." seryoso niyang aya. Pero pinigilan ko siya.

"Please Mie. Pakinggan mo ako."

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Gusto kong matikman ang masabaw mong sinigang sa araw araw na magdaan sa buhay ko. Gusto kong mahawakan ang kamay mo hanggang sa pagtanda ko. Gusto kong makita ang future mo sa piling ko, gaano man maging kadilim ang mundo, at gaano man maging masikip ito, handa ako basta para sa iyo. Paliligayahin kita, araw, tanghali, hapon o gabi."

Kinuha ko na sa bulsa ko ang pakete na may lamang singsing, lumuhod na ako sa harap niya. Kita ko kung paano nagbago ang ekspresyon niya. Naging malamlam ang kanyang mga mata.

"Armie, mahal kita. Sobra. Sobra. Sobra. Gusto mo rin bang makita ang future ko sa piling mo?" tanong ko, buong pusong umaasa kahit parang medyo bastos pakinggan iyong naconstruct kong speech.

Napakagat labi lang siya at napatango na lang. Napangiti ako at sinuot na ang singsing sa palasingsingan niya.

Tumayo ako. Yinakap niya ako nang mahigpit.

"I love you, M ko."

"I love you, Mie."

One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon