Chapter 6:Unknown Killer

900 17 6
                                    

Kevin's Pov

Hindi talaga ako makapaniwala na nagsuot si Claire nang ganong kaikli....aiisshhhh...

--------*--------*--------

Next Day*

Andito kaming lahat ngayon sa canteen.Eto na naman si Claire,nagsuot ng skirt.hindi sa ayaw ko ah.(napapansin ko lang kasi ang mga titig ng lalaki sa kanya eh.para bang gusto nilang galawin si Claire).

"Guys mamaya pala may pupuntahan ako"

Napatingin naman ako sa sinabi ni Alicia.Nagtatakang mukha ang ipinakita namin sa kanya.

"San ka pupunta?Sasama ako,baka may mangyari sa yong masama"sabi ni Andrei

"Wag na drei,walang mangyayaring masama sa amin"

"Sinong amin?"

"Si Claire kasama ko, diba Claire?"

Tanong niya kay Claire na nakatitig palagi sa phone niya.

"Oo mamayang gabi kami aalis.Wag kana rin sumama Kevin o kaya ikaw Carl"utos niya saamin.

"Bakit ba kasi ayaw niyo kami pasamahin,san ba kayo pupunta?"tanong ko

"Basta sikreto na namin yon"

*****************************************
Claire's POV

Nighttime

Andito kami ngayon ni Alicia sa Forest.Hindi ko rin alam kung bakit kami nandito,basta basta nalang ako hinatak ni Alicia dito kasi daw may hahanapin siya.

"Ano ba yung hahanapin natin??!!Kanina pa tayo dito eh!"

"Basta huminahon kalang,malapit na tayo"

"PANO AKO HIHINAH-"

tinakpan ni Alicia ang bibig ko.tumahimik nalang aki kaso may narinig kaming footsteps.Hindi ko alam kung saan nanggagaling yon.Baka rapist yon.Nakaskirt panaman kaming dalawa ni Alicia.Ang bobo ki talaga.Palakas ng palakas ang naririnig naming footsteps.

"A-alicia alis na tayo dito"

"T-tara na"

Tumakbo kami kaso natigil si Alicia.Tumingin ako kung saan siya nakatingin.Nakita ko ang Limang lalaki na may hawak-hawak na ibat ibang armas.

"Anong g-gawin niyo saamin?!"

"Diba ang rules sa eskwelahan ninyo ay wag lalabas ng gabi?"

"Alam niyo na kung ano ang mangyayari sa inyo diba?.Katapusan niyo nang dalawa.Ang gaganda niyo pa naman."

Tinutok saamin ang mga baril nila.Pinikit nalang namin ang mga mata namin at naghihintay ng putok ng baril.Mga ilang minuto ay wala akong narinig.Tinignan ko at nakita ko puno ng dugo ang mga katawan nila.Nakita ko sa likid nila sila Kevin, Jared at Andrei.

Tumakbo ako kay kevin at umiyak sa kanyang balikat.

Special Section [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon