Ang weird SEATMATES[one shot]

864 49 35
                                    

SEATMATE

Pumasok ako sa school ngayon ng pugto ang mata. Obviously dahil umiyak ako, umiyak na naman ako. Ohwell. Ganito naman talaga ako eh…

Iyakin

Childish

Eh bakit ba!?! Bata pa naman ako ah? I believe bata pa din ako. Ia-accept ko lang na matanda na ko on my 18th birthday. That day would be the day na mag-aact ako as a grown up, as a lady.

Umupo na ko sa upuan ko, same seat everyday… Alphabetical kasi and that idea sucks. I hate it. I hate my place. Wanna know why?

Front seat.

Nasa center pa.

 My surname is Aquino. Wala kasing aisle yung seating arrangement namin. Tight kami ehh. Close. EVERYDAY ka eye-to-eye ko ang mga teachers, taga- salo ako… ng mga tanong nila and worst, ng laway nila. EW. Like every day may falls akong hinaharap. I know. I know. Kadiri talaga.

Nakakaganti naman ako eh, kapag wala pa sila, nakapatong ang paa ko sa desk nila. Oha. At home ang pwesto. Hehe. Katulad ngayon, naka-taas yung paa ko sa teacher’s table. Naka-cross pa sya ha. Tapos sandal na sandal naman ako sa upuan ko. HEAVEN *v*

“Umayos ka nga ng upo. Naka-palda po kayo.”

ERRR. Isa pa sa hate ko. Ang seatmate ko. Si Bagos. Errr. Bakit kasi B pa ang surname nitong si Melvin eh! >3<

“Pake mo ba! Sarap ng upo ko dito eh.”

“Kasi nasisilipan ka na.” emotionless nyang sabi.

Dali-dali kong inayos ang upo ko. Shimz! Pag nalaman ng nanay ko na nasisilipan ako baka makurot ako nun sa singit eh! >3<

“Bakit pugto yang mata mo?”

Tanong sakin ni Melvin. As usual, emotionless.

Parang robot lang. He’s the top 1 of the class or should I say Top 1 sa batch namin… section 1 kami eh. Sobrang talino nya. Gwapo din sya pero heartless. Wala yang pinapatulan sa lahat ng nagcoconfess sa kanya eh. I KNOW hindi nya kasalanan na gwapo sya at matalino sya at perfect sya pero sana nagsuot na lang sya ng makapal ng salamin (kahit hindi naman Malabo ang mata nya—ang charming nyang mga mata *^*) at mag-braces sya (kahit na he already have the perfect set of white teeth). Magpapangit na lang sya para mabawasan ang charm nya at mabawasan din ang mga babae na nahuhumaling sa kanya.

Para pati ako, maiwasan ang pagkahulog ng loob sa kanya.

“Pake mo?” pagtataray ko.

Hindi naman talaga ako mataray eh. Medyo lang. Hehe.

“Kaya nga ba ayokong pumasok sa isang relasyon eh… walang maidudulot na mabuti sa sarili yan. Tsk tsk.”

He’s being too nosy right now. And the fact na kinakausap nya ako? WOW HA! WOW LANG!

“You should be reading your books right at this very moment Mr. Robot. In 15 mins, dadating na ang Physics Teacher natin.”

I reminded him. Ganun naman kasi yung lagi nya talagang ginagawa eh. Nagbabasa lang sya pagkakadating nya sa school.

“Try me Cherry. Malay mo may maitulong ako sa inyo ng boyfriend mo?”

MAITULONG?! WTF! Eh heartless ka nga eh! Tsaka halerrrr! Wala akong problema no. Like duh! Pugto lang talaga ang mga mata ko. Psh. >3<

“Wala kang maiitulong. Sira ulo to. Wala ka ngang puso eh.”

“Just tell me.”

Uy! Deadma na sinabihan ko sya ng walang puso. Mehehe.

Ang weird SEATMATES[one shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon