Chapter 13

32 0 0
                                    

Chapter 13

Moses' pov

Hayy kakaiba talaga tong si Ia nagawa niya akong mapalayas sa bahay nina Ralph dahil lang sa threat niya. Bakit ba kasi head to toe yung pagkagusto ko sa babaeng to. Nagstay nalang ako dito sa car ko at nagsoundtrip. Maya maya pa may nakita akong babaeng lumabas ng bahay nina Ralph. Aba teka si Ia yun ahh. Pasaan kaya siya. Inistart ko yung kotse ko at sinundan siya. Nagbeep ako sakanya at nakita kong tumigil siya. At unti unti siyang humarap sakin at nakita kong umiiyak siya. Lumabas ako agad ng kotse.

"Anong nanyare sayo? Bakit ka naiyak?" Tanong ko sakanya at tuloy tuloy parin siya sa pagiyak

"San ako nagkamali" sabi niya habang naiyak parin

I cant help it niyakap ko siya. Nalulungkot ako sa nakita ko.

"Tahan na. Tahan na pumasok ka sa loob ng kotse. Ihahatid na kita sa inyo" sabi ko at isinakay siya sa kotse.

Tahimik lang kami sa kotse. Nakatingin sya sa labas ng bintana.

"Can you not bring me home muna." Sabi niya habang nakatingin parin sa bintana.

"Gusto mo sa bahay ko?" Pagbibiro ko pa pero hindi siya kumibo "san mo gusto pumunta?" Pagseseryoso ko.

"Alam mo ba yung begalli's museum?" Tanong niya

"Ahh oo alam ko yun. Nakikita kitang napunta dun" sabi ko at napatingin sya sakin "don't get me wrong nadaanan lang kita one time kaya inassume ko na lagi kang nandun" lusot ko

At nagdrive na ako papunta dun. Hindi ito popular na museum pero sa tuwing sinusundan ko si Ia pag may naririnig ako tungkol sa pagaaway nila ni Ralph dito siya madalas pumunta. Pinark ko na yung kotse sa harap ng museum. Bumaba siya at nagsimula na syang pumasok sa loob. Sinundan ko lang siya.

"Simula pa nung bata pa ako dito na ako napunta pag malungkot ako at pag may problema ako. I used to call this as my other world."sabi niya at tumawa

"Ano bang nangyari?" Tanong ko pero may hint na ako

"Naging takbuhan ko na to pag nararamdaman kong natatalo na ako at nawawalan ng pagasa. Takbuhan ko to pag nararamdaman kong mag isa ako."

"Hindi ka naman nagiisa e" sabi ko

Tumingin sya sakin at ngumiti.

Andito kami sa rooftop ngayon. Ansarap ng simoy ng hangin. Maganda ang view dito. Tama si Ia para kaming nasa ibang mundo ibang iba paglabas ng museum na to. Kasalukuyang nakahiga si Ia may mga blanket na din sya dito. Napaghahalataang lagi syang nandito. Binigay ko sakanya ang jacket ko kasi nakadress siya e. nakapikit siya pero hindi ko alam kung tulog ba sya. So i decided na tumabi sakanya.

"Tulog ka ba?" Tanong ko sakanya

Pero hindi sya sumagot.

"May sasa..." Naputol ako sa sasabihin ko

"Salamat moses. Hindi ko aakalain na in my worst downfall ikaw pa yung makakasama ko. You are trully a knight in shining armor." Tawa niya pero nakangiti parin.

"Gumaan yung pakiramdam ko. Napakalaking bagay na nasamahan moko ngayon. Less lonely tapos hindi ko naramdamang magisa ako" dumilat sya at tumingin sakin. We're just inches apart.

Tumayo siya bigla at ngumiti sakin.

"Tara na. Maggagabi na. Pwede bang ihatid mo ako." Sabi niya at nilinis yung blanket at nagyaya na umalis. Naiwan pa ako ng kaunti sa rooftop.

"May gusto akong sabihin sayo Ia. Nasasaktan din ako sa tuwing nasasaktan ka. Pwede bang lagi ka nalang masaya. Sa tuwing mafefeel mo na magisa ka, isipin mo andito ako hindi mo man ramdam pero nakaalalay ako lagi sayo" sambit ko at tumawa nalang sa sarili at tuluyang lumabas na din.

Ending without BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon