Chapter 1: Loneliness

8 0 0
                                    

Sinlamig ng tubig sa banyo ang kapaligiran niyang wala nang tao. Nag-iisa na lamang siya, at ngayo'y hindi na niya alam ang gagawin.

Lumabas siya sa banyo at nagbihis. Sa paglalakad niya , nakita niya ang kwarto ng kaniyang mga magulang. Bukas ang pinto, nakaayos ang lahat ng bagay. Naghihintay na lamang ng papasok.

Hindi na niya napigilang umiyak. Nanghina ang kanyang mga tuhod at
napailuhod na lamang siya sa sahig.

"Ayoko na talaga." Sabi niya sa kaniyang sarili. Kasabay ng pagpatak ng tubig ng kaniyang basang-basa na buhok ang pagdaloy ng luha sa kaniyang mga mata.

Hindi na niya makayanan ang lahat ng mga nangyayaring ito.
Una, nasawi ang kaniyang mga magulang dahil sa isang car crash accident. Walang mga kamag-anak niya ang nais na umampon sa kanya. Ilang linggo palang ang lumilipas, nagsisimula na siyang iwasan ng mga kaibigan niya. Ang dahilan: immature daw siya. At ngayon, pinilit siyang mag-drop out sa school ng kanyang tiyo dahil wala na namang magpapaaral sa kaniya.

"Wala na akong dahilan pa para mabuhay. Nawala nang lahat..." bulong niya sa kanyang sarili.

Bumangon siya sa kaniyang kinalulugmukan at dahan-dahang pumasok sa kaniyang kwarto. Naupo siya sa harapan ng kaniyang dresser at nagsuklay sa harapan ng salamin. Kitang kita sa kanyang maputlang mukha ang kalungkutan.
Ang pisngi niyang matambok at namumula noon ay ngayon ay namuti na. Ang mga mata niyang dati ay punong puno ng kaligayahan ay ngayo'y namumula na at tila kulang na sa dugo.

Kumuha na siya ng mga damit na kaniyang isusuot. Lahat ay kulay itim.

Kinuha niya ang lumpon ng mga tela na nakasabit sa kaniyang upuan at tinakpan ang kaniyang kama. Ganun din ang ginawa niya sa t.v., computer set, lamesa, at drawer.

Pagkatapos nun ay kinuha na niya ang kanyang jacket at pulang backpack na naglalaman ng isang maliit na notebook at isang panulat.

Pagkasukbit ng bag sa kaniyang likuran, kinuha niya ulit ang mga tela at inilagay ito sa lahat ng mga muebles sa kanilang malawak ngunit tahimik na mansiyon. Naisipan niyang umalis nalang doon at pumunta kahit saan siya dalhin ng kaniyang mga paa.

Binunot niya ang mga nakasaksak na appliances, iniayos ang lahat ng furnitures, at sa huling pagkakataon, nilapitan niya ang piano ng kaniyang pamilya na pinagpasa-pasahan na ng mga henerasyon.

Kinuha niya ang isang picture frame na naglalaman ng litrato nilang buong pamilya. Pinilit niya ang kaniyang luha at inilagay sa kanyang backpack ang frame.

Papalayo na sana siya ng may naalala siyang dapat gawin.

"Hindi naman siguro masama na tugtugin ko ulit iyon, bago man lang ako umalis." Sabi niya sa kaniyang sarili.

Tinanggal niya ang iba pang picture frame sa ibabaw ng kanilang grand piano at inilipat ito sa loob ng isang malaking drawer. Sa paggawa nito, napa-huni na lamang si sky ng isang awiting tanda niyang hinuhuni ng kaniyang ina sa kaniya kapag hindi siya makatulog sa gabi.

Kasabay ng paghuni ay ang dahan-dahan niyang pagikot sa iisang paa na tila ba isa siyang ballerina. Patuloy lang siya sa pag-indak papunta sa piano habang humuhuni.

Tumigil na siya at pinagpag ang hindi naman gaanong maalikabok na upuan at itinaas at iniayos ang lid ng kaniyang grand piano.

Naupo siya at nag-isip ng mga tutugtugin na kaniyang tinutugtog noong kumpleto at masaya pa ang kaniyang pamilya.

kinanta niya ang "house of gold" at kasabay nito, tinugtog na niya sa piano.

She asked me "son, when I grow old,
will you buy me a house of gold?
And when your father turns to stone,
Will you take care of me?"

R 3 S 3 7, R 3 S T A R T. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon