Chapter 2: Melancholy

15 0 1
                                    

Katok.

"Hijo, kakain na tayo. Ikaw na lang ang kulang sa hapag kainan."

Walang tumutugon.

"Hijo? Kakain na. Naririnig mo ba ako?"

"Pasensiya na po, pero hindi po ako lalabas. Hindi pa po ako nagugutom." Ang sabi niya sa taong kumakatok sa kaniyang pintuan. Nakahiga lang siya sa kama,at pinupunasan ang mga luha niya sa mukha.

Katok, katok, at katok pa.

"Kapag sinabi kong hindi,HINDI." Pagmamatigas niya. Hinagis niya ang kaniyang unan sa pinto. Nahiga siya sa kama at timakpan ang sarili ng kumot.

Tumigil ang taong nasa likod ng pintuan.

"Basta, hijo, lumabas ka lang ng kwarto mo kapag nagugutom ka na." Mahinang sagot ng isang matandang babae na nasa likod ng pintuan ng kwarto ni Lewis.

Hindi ito umalis, bagkus ay tumabi lang siya sa gilid ng pintuan na tila ba may hinihintay.
"Patawarin mo ako, apo, at hindi kita matutulungan ngayon sa iyong problema." Bulong niya sa kaniyang sarili. nag-inat inat siya, at nagpatuloy sa paglalakad niya papunta sa hagdanan.

Sorry po, Lola. Sorry.

At hindi na niya napigilang umiyak.

Lumuha siya na tila ba wala nang bukas.
...
Pagbaba sa hagdan ay agad na nagtungo ang Lola sa kusina at naupo sa upuan. Tila ba ito ay balisa--ekspresyong hindi niya maitatago sa kaniyang mukha.

"Nay, ano pong nangyari? Kamusta na po si Lewis?" Tanong ng isang batang lalaki.

"Hindi daw siya nagugutom at wala siyang balak bumaba." Tugon ng lola sa kaniyang apo.
Inabot na nito ang bowl ng kanin at nag sandok na siya ng kanin sa bawat miyembro ng pamilya, maliban na lamang sa plato ng bakanteng upuan.

Para kay lewis.

Ang lahat ay nakatitig sa bakanteng upuan ng lamesa. "Parang may kulang." Naisip ng batang lalaki. "Ano ba'ng problema nung lalaking 'yun?" Pagtataka ng nakatatandang babaeng kapatid. "Oh Diyos ko, huwag niyo pong pabayaan ang aming apo." Tahimik na panalangin ng kanilang Lolo.

Ehem.

Agad namang nabaling ang kanilang atensyon sa Padre De Pamilya. Nakasimangot ito, at tila ba naiirita na sa mga nangyayari.

"K-kumain na ho tayo." Ang sabi naman ng kanilang Nanay. Sinubukan nitong ngumiti, ngunit pinipigilan siya ng malungkot na katahimikan na bumabalot sa paligid.

Ang lahat ay nagsimula nang kumain, maliban lang sa kanilang ama. "Andres, akala ko ba ay gusto mo nang kumain? Bakit hindi mo pa ginagalaw ang iyong pagkain? Ayaw mo ba ng niluto kong Adobo?" Malambing na tanong ng kaniyang asawa. Umiling-iling ito, tumungo, at hinarap ang kaniyang asawa.

"Aakyat muna ako at kakausapin ko 'yung damuhong 'yon. Hindi ako sanay 'pag ganito." Paliwanag niya. Tumayo na siya, at nagtungo sa hagdanan.

"Ma, an'sabi ni Papa?" Tanong ng nakakatandang kapatid na babae. "Kakausapin niya daw si Lewis. Sana hindi siya magalit." Paliwanag ng kaniyang ina. Huminga ito ng malalim at sinubo ang pagkaing nakahanda na sa kaniyang kutsara.
...
"Anak, paki buksan mo ang pinto." Mariing pakiusap ng kaniyang ama. Hindi maintindihan ang kaniyang mukha. Galit ba ito o malungkot? Walang makapagsasabi.

"T-tay?" Tanong ng mahina at nanginginig na boses sa likod ng pinto. Nang marinig ito ng kaniyang ama, nanlambot ang matigas nitong ekspresyon.

"'Nak, nakikiusap ako sa'yo. Papasukin mo na ako." Muli nitong pakiusap.

R 3 S 3 7, R 3 S T A R T. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon