Chapter 3: Another day.

6 0 0
                                    

Sky's PoV

"Open the slits in your face and start your day..."

What?

"You don't have much time to make your slits look just right..."

...

"Im in your mind...Im singing..."

...?

"La-da...La-da...La-da...La-da...La-da...La-da-da..."

Umaga na agad?

Bumangon na ako sa aking kinahihigaan at pinatay ang alarm ng cellphone ko.

Lintek. Anong oras na nga ba?

"7:00 am, may pasok--HOLY SH¥T!!" Sigaw ko.

Oo nga pala. Hindi nga pala ako nag-drop. Pinipilit lang nila ako pero ayoko. At ngayon, kailangan ko na palang pumasok.

Umupo muna ako saglit sa aking kama dahil hindi parin nagre-register sa utak ko ang mga nangyayari.

"Wala na sila mama at papa>Ako lang mag-isa>Solo ko ang bahay>Isang linggo palang ang pasukan--great. Just great. Kakayanin ko kaya?"
Tanong ko sa aking sarili.

Ewan. Sana.

Pero...iisa lang ang motto ko.

"SUSUKA PERO HINDI SUSUKO!" Sigaw ko ng malakas sabay pagsuntok ng kamao sa langit.

T@ng ina. 'Yoko na.
'Yoko na pero para kay Mama at Papa, kakayanin ko.

Kumuha na ako ng mga pamalit na damit at dumiretso sa banyo para maligo. 8:00 pa naman ang oras ng pasok ko, kaya kaya pa. Problema ko nga lang, ay hindi ako marunong mag-drive. Pero bahala na, bahala na.

Bahala na nga talaga.

Kung mamamatay din ako sa kaparehong paraan kung pa'no namatay ang parents ko, why not?

Lumabas na ako at nagpatuyo ng buhok habang nagbibihis.

Ganito ba talaga kapag nag-iisa na? Kailangan ba talaga? Hindi ba pwedeng mag-quit nalang?

Mabuti na lang din at marunong na akong maglaba at mag plantsa ng damit. Malamang. 4th year na, hindi pa marunong? Duh.

Pagkatapos kong mag-bihis ng uniporme T kinuha ko na ang aking pulang backpack at isinalansan ang mga dadalhin kong gamit. Notebooks, papel, libro, etc.

"Teka, anong schedule ba ngayon?" Tanong ko sa aking sarili. Sinigurado ko muna at tinignan ang kalendaryo sa aking cellphone.

July 8, 2020.
Wednesday.
Wednesday Schedule ngayon.

"Great." Bulong ko.

Kakaunting gamit lang ang aking dadalhin dahil tuwing wednesday, apat na subjects lang ang meron kami. English, Science, T.L.E , at Mapeh sa hapon.

Kinuha ko na ang aking P.E. uniform at jacket at inilagay ito sa aking itim na duffel bag na bigay sa akin ng aking ama.

Dad.

No,don't. Ang aga para magdrama. Mamaya nalang. 'Wag ngayon.

Napa-iling na lamang ako at naupo na sa sahig para magsuot na ng sapatos.
...
Pagkababa ko sa hagdan, nagpunta na ako sa kusina para magluto at kumain ng almusal.

Lintek naman oh. Wala na nga palang tao sa bahay. An'tanga ko naman at di ko pa rin matanggap ang katotohanan.

SLAP.

"T@ngin@, masaket." Reklamo ko.
Sinampal ko ang sarili ko para magising.
Hindi sa antok pero sa katotohanan.
Masakit- kasing sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Mahirap tanggapin,pero kailangan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

R 3 S 3 7, R 3 S T A R T. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon