Right LOVE at the Wrong TIME

239 10 4
                                    

•●•●•●

Siya si Hillarie. Iyon ang pakilala niya sa akin. Sa hitsura'y masasabi kong pareho lang kaming edad 19. Katamtaman ang katawan ni Hillarie at napaka-ganda niya. At higit sa lahat nakatawag pansin sa akin ay ang maamo niyang mukha.

Nakilala ko si Hillarie sa isang Bar na kung saan kasama ko ang aking mga kaibigan upang magsaya. Nakaupo siya ngayon sa isang table na kung saan katapat lang sa amin na pagkakaalam ko'y lasing na at pautal utal na sa pagsasalita.

Tinitignan ko lang siya sa mga mata niyang puno ng kalungkutan. Bigla siyang nadako sa aking patingin at ilang segundong nagkatitigan at bigla ko namang binaling ang aking paningin sa iba.

Tuloy lang ang tugtog at sayawan sa loob ng Bar. Nakainom na rin ako pero hindi naman sobra. Bigla ulit akong napatingin kay hillarie pero wala na siya dun, hinanap ko siya.

Sa Fire Exit nga kung saan madalang namang pasukin ng tao. Nakita ko siyang nakaluhod at nagsusuka sa sobrang kalasingan. Nilapitan ko siya at tinanong kung ok lang siya. At hindi ko namalayang magka-dampi na ang aming mga labi. Isa... Dalawa... Tatlo... Sa pagkakahiwalay ng aming mga labi. Niyakap niya akong bigla at umiiyak. Inayos ko ang kanyang buhok at dun ko lang naaninag ang mala-anghel niyang mukha. At dun sa Fire Exit na yun nagkapalagayan kami ng loob dahil sa pagsasabi niya ng mga saloobin at sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib.

Minuto pa'y inaya ko na siyang bumalik sa may mga maingay na tao. Nagkatinginan kami at natawa na lang sa aming mga sarili habang hindi namin alam pareho kung sino ang unang lalabas at kung sino ang maiiwan saglit sa loob ng Fire Exit.

Saglit pa'y ako na ang bumukas ng pinto. Ako ang unang lalabas. Pero pinigil niya ako ng kanyang mga salitang hindi ko inaasahang masasabi niya.

"Mahal na kita".

Ngumiti lang ako sakanya Hindi ko kasi alam kung isa bang iyong biro. Hindi ko alam kung gusto niya lang ako dahil sa halik o mahal niya na ba ako kahit ito palang ang unang beses naming pagkikita.

Saglit pa'y nag-ring ang dala kong cellphone. At ng makita ko kung sino ang tumatawag ay bigla kong naisip na hindi pwede ang kung anumang gusto pang mangyari ni Hillarie. Hindi na kami pwedeng magkita. Hindi ko na dapat bigyang panahon pa para alamin kung totoo ba ang sinabi niya. Isa lang itong panaginip na kailangan ko ng tapusin.

•●•●•●•●•

Itutuloy.....

Right Love at the Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon