EPILOGUE

109 8 3
                                    

August 15, 2014

Maraming taon na nga ang lumipas. Lumayo ako. Tumakas. Tumungo sa ibang bansa para takasan si Bianca at para kalimutan si Hillarie. Pinilit kong maging masaya kung saan man ako naroon pero tila hinahabol pa rin ako ng nakaraan. Para bang sinasabing hindi ko matatakasan ang bangungot. Kinokonsensya ako.

May mga sandali sa buhay kong gusto kong bumalik sa Pilipinas para humingi ng tawad sa mga iniwan ko't nasaktan at ayusin ang lahat. Pero natatakot ako.

Salamat na lang sa paglalaro sa akin ng tadhana dahil sa di pagkakataon ay nagkita kami ni Hillarie.

Akala ko'y may tapang akong sabihin sa kanyang bakit hindi mo ako binalikan ? Bakit hindi mo pinatunayang mahal mo nga ako at hindi isang malaking kamalian lang ang nangyari sa fire exit.

•●•●•●•●•

Pumunta ako sa lugar kung saan ako namamalagi pag nalulungkot ako. Oo, bumalik na nga ako sa Pilipinas para maitama ang mga kamaliang nagawa ko dahil sa paglalaro ng tadhana sakin.

Nakaupo ako sa isang bench ng may isang babae tumabi sakin. At laking gulat ko kung sino iyon at siya ang babaeng iniwan ako sa ere. Si Hillarie !

Pareho lang kaming tahimik nang unang nagsalita siya....

Gimbal ako sa mga rebelasyon niya na para ba akong sinuntok at hindi ako makagalaw sa sakit. Lalo pati ng detalyado niyang ilahad sa akin ang mga nangyari nung araw na hinintay ko siya sa fire exit.

Pinaglaruan ako ng oras. Pinaglaruan ako ng panahon. Pinaglaruan ako ng mga hindi inaasahang pangyayari.

"Hindi ko siya kilala. Hindi niya ako kilala. Pero nang makita ko siya't nang iwan mong mag'isa ay awang-awa ako sa babae. Pinili kong huwag ka nang katagpuin pa kahit alam kong masasaktan tayong pareho para maitama natin ang mga pagkakamali natin." ang sabi niya't hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

Sa mga sandaling iyon ay hiyang-hiya ako sa sarili ko. Wala akong mukhang maiharap kay Hillarie dahil sa mga pagkakamali ko. Nakayuko akong dahan-dahang lumayo na sa kanya pero pinigilan niya ako. At saglit pa'y nang lingunin ko siyang muli ay nakita kong kasama niya na ang isang batang lalaki. Siguro'y mga apat o limang taong gulang na.

Lumapit pa siya ng kaunti sa akin kasama ng batang katatapos lang maglaro sa kung saan.

"Ang tagal kong hinintay na mangyari ito. Na makita mo ang anak mo at maging ama at ina tayo ng batang ito na hindi man lang nasilayan ang kanyang ina......"

Gimbal ako nang marinig iyon kay Hillarie. Hindi ko akalaing siyang hahawak ng responsibilidad ko kay Bianca na namatay nung araw na isilang niya ang anak namin. Hindi ko man siya muling nakita nung araw na iyon sa fire exit ay sapat ng maniwala akong mahal niya nga ako nang maging ina at ama siya ng anak ko sa babaeng pinili kong iwan para sa kanya.

~ WAKAS

Right Love at the Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon