Hindi ko pa man nasasagot ang tawag ay mabilis ang mga kamay ni Hillarie na iniharap ako at niyakap ng mahigpit. Mistulang ako'y nakakulong sa kanyang mga yakap.
"Mahal na kita." ulit pa niya.
At doon ramdam ko na nang titigan niya ang aking mata'y totoo nga. Marahil totoo nga. Gusto niya talaga ako. Mahal niya na ako.
Titig lang ako sa mga mata niya, sa maamo niyang mukha. Parang isang batang nanunuyo. Nagsusumamo.
Binitiwan niya ako mula sa kanyang pagkakayakap."Magkita ulit tayo dito bukas sa parehong oras." ang muli niyang sabi pagkatapos ay yumakap ulit siya sa akin ng mahigpit.
Ang sarap ng mga yakap niyang iyon. Mga yakap na nagpadama sa akin na dapat ay malaya akong magmahal at malaya akong pumili ng kung sino ang gusto ko. At doon ako sa gusto ako.
Walang tigil pa din sa pang-ring ng cellphone ko hanggang sa paglabas ni Hillarie sa fire exit.
Hindi ko maitatangging gusto ko rin si Hillarie. Sa unang pagkakataon sa buhay ko'y ngayon ko lang naunawaang pwede pala akong magkagusto at magmahal sa taong isang beses ko pa lang nakikita.
Pero ang katotohanang iyon ay saglit lang nanatili sa aking isip ng huminto na ang tawag sa aking cellphone at mabasa ko na lang ang isang text message.
•●•●•●•●•●
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
Right Love at the Wrong Time
RomanceIn every game. I win. But in love. I alway's lose. You know why ? Because I've never play.