Gimbal ako ng malaman kong buntis si Bianca, ang girlfriend ko.
Sa mga sandaling iyon. Saksi ang fire exit na iyon kung paano ako nagulantang sa balita. Kung paanong lahat ng pangarap ko ay gumuho at ang karapatan kong gustuhin ang mga nais ko'y hindi ko na magagawa. Kahit pa ang sabihin kay Hillarie na gusto ko rin siya o na mahal ko na rin siya.
November 22, 2009
Para bang may ilang minuto na lang akong nalalabi para pumili. Ang panagutan si Bianca o ang paniwalaan ang nararamdaman ko kay Hillarie.
Ilang oras na lang darating na ang girlfriend kong si Bianca. Ipipilit niya sa aking pananagutan ko ang pagdadalang-tao niya. Ilang oras na nga lang pero hindi ko pa rin alam kung kakatagpuin ko si Hillarie o ikukulong ko na ang sarili ko sa katotohanang magiging ama na ako.
Malaking desisyon.
Kahit pa madulas ang kalsada'y mabilis ang aking pagmamaneho maabutan lang si Hillarie sa aming tagpuan. Oo, siya ang pinili ko. Pinili ko ang gusto't tinakasan ko ang responsibilidad ko sa babaeng kahit minsan nama'y hindi ko minahal.
Agos ang mga luha ni Bianca. Hagulgol sa pag'iyak pero kahit katiting na awa'y wala akong naramdaman. Sabihin na ng lahat na masama akong tao ay wala na akong pakialam. Demonyo na ako kung demonyo nga pero hindi ko kayang mabuhay sa kasinungalingan. Si Hillarie ang gusto ko. Siya lang. Siya nga ang mahal ko.
Minutong hindi ko mabilang. Ilang segundong hindi ko tantsa. Basta't ang alam ko'y nagmamadali akong mapuntahan muli ang fire exit kung saan sa parehong oras at magkikita kami ni Hillarie. Habang tinutungo ko nga ang aming tagpuan ay masaya ako sa aking desisyon kahit pa ang pinili ko ay takasan at piliin ang tanging daan na mayroon ako para lumigaya.
Pero walang Hillarie. ╮(╯_╰)╭
Walang Hillarie akong naabutan sa Fire Exit. Sa mga oras na yun ay gumuho lang lahat ng pangarap ko. Gumuho lang ng ganun na lang.
Hanggang sa magdesisyon na akong tama na ang kalokohan na ito at iyon ang kailangan kong tanggapin.
Segundo pa'y sa pagbukas ko sa pintuan ng fire exit ay hindi ko inaasahang makita si Bianca. Sinundan niya ako.
"Maawa ka naman. Magkaroon ka naman ng bayag para panagutan ako." humahagulgol niyang sabi.
Galit. Hindi awa. Poot. Pagsisisi. Iyan lang ang nararamdaman ko sa babaeng akala mo't batang nanlilimos ng pagmamahal.
"I'm sorry. Hindi ko kaya." iyon lang ang nasabi ko't iniwan siya.
Sa mga oras na iyon. Alam ko na ang pinili ko. Ang kalimutan si Bianca. Ang kalimutan si Hillarie. Mabuhay malayo sa kanilang dalawa.
•●•●•●•●•
Itutuloy......
BINABASA MO ANG
Right Love at the Wrong Time
RomanceIn every game. I win. But in love. I alway's lose. You know why ? Because I've never play.