Chapter 11

165 14 19
                                    

Jigger's POV

"ANG karma nga naman oh— "

"Shut up! "

"Ang bilis umatake! " pasigaw na sabi ni Levi matapos ko itong unahan sa paglalakad.

Lasing na ang loko. Laklakin ba naman kasi nito ang pitong bote ng beer. Saglit muna kasi kaming tumigil sa tinutuluyan nila Mr. Villaluz, matapos ng prenup at nagpainom ito nang kaunti. Ang kaso, sa takaw sa alak nitong magaling kong kasama ay halos ito na ang umubos nung mga inilabas ng matanda.

Pabalik na kami ngayon sa hotel.. At hindi ko malaman kung anong klaseng espirito ng alak ang pumasok sa utak nitong si Levi at panay ngayon ang pang-aalaska sa akin habang pauwi.

"Jigger, beybeh! Hintayin mo naman ako! Kaya ka nagkakasakit eh. Hindi mo inaalalayan ang kaibigan mong lasing! "

Tsk. Gago!

Pati yung alak na para sa akin ay nilaklak na rin ng magaling na 'to. Pabor sa akin iyon dahil wala rin naman ako sa mood na uminom. Sobrang sakit na kasi talaga ng ulo ko kanina pa. Ang kaso, mukhang mas napasama pa ang lagay ko dahil halip na mapayapa ang pag-uwi namin ay heto at ayaw akong tantanan ni Levi.

Kanina ko pa talaga pinipigilan ang huwag patulan ito. Kung hindi lang masama ang aking pakiramdam ay kanina ko pa talagang nagawa iyon. Panay din kasi ang banggit ng tungkol sa ginawa kong kasalanan kay Cheska. Sa madaling salita, ay panay ang pangongonsens'ya nito sa akin.

Asar akong napasuklay sa aking buhok nang muli itong tumawag mula sa aking likuran. "Dude! You know what's the cure for that?!.. You need to learn how to say, 'I'm sorry, Cheska! I didn't mean to break your cellphone! And to hurt your feelings! I hope you can forgive me now! Please! '.. With tears dude! With tears! " and then he laughed again like a f*cking hyena.

Tsk. Crazy.

Hanggang sa makarating kami sa hotel ay hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa at pagsasalita. Daig pa nito ang may kalaro na s'ya lamang ang nakakakita.

"Whew! " naramdaman ko ang paglapit ni Levi sa aking likuran.

"C'mon dude!.. " hinawakan ako nito sa balikat nang akmang papasok na ako sa loob ng aking kwarto. Hihingal-hingal pa ito bago muling nagsalita. ".. How can you hate somebody for being so freaking— wonderful?.. " palapit pa nang palapit ang mukha nito sa may pisngi ko. P*ta! Naaamoy ko yung alak. Lalo tuloy nasakit ulo ko. "And beautiful.. and, ah.. Sexy and— " Tuluyan na akong naasar at marahas na tinabig ang pagkaka-kapit nito sa aking balikat.

"You're not f*cking done yet?!.. " aniko at kinalas ang kan'yang kapit sa aking balikat. "Kung wala kang balak tumigil sa pagputak, eh iyong mga pabong nakakulong sa mini poultry ang kausapin mo! Huwag ako! "

Goddamn it! Gusto ko nang magpahinga. Ano ba kasing ipinaglalaban ng gagong ito?!

Saglit naman ako nitong tinitigan na para bang hindi s'ya makapaniwala sa aking sinabi. Ugh! And now he's acting like I said something stupid. Ako pa ngayon ang magmumukhang wirdo sa aming dalawa.

"Seriously?.. " pagkatapos ay ngumisi ito nang nakakaloko.

"Yeah?! Seriously! Napaka ingay mo! Daig mo pa yung mga pabo kanina! " pagkatapos ay mabilis ko na itong tinalikuran at dere-deretso akong pumasok sa aking kwarto.

May The Best Jerk WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon