Cheska's POV
"AY! Uso ngayon ang band aid ah. "
Natigil ako sa paglagok sa bottled water na hawak ko at nilingon si Jess, katabi ko kasi ito habang nanonood kami ng photoshoot.
Napasilip na rin ako sa tinitingnan nito. Si Levi pala iyon, mukhang kararating lang. Tinanghali yata ito ng gising.
Napakunot ako ng noo nang makita ang nakadikit na band aid sa gilid ng labi ni Levi, nakasimangot pa ito at mukhang bad trip.
At sino naman kayang sumapak sa isang ito?
"You're late. " Si Jigger na agad na lumapit para sitahin si Levi. At ngayon ko lang din napansin, naging dalawa ang pasa nito sa mukha.
"I know. " Sagot ni Levi, mukhang bad trip nga ito dahil hindi nito nilingon o nginisian manlang ang kan'yang kaibigan, tulad ng ginagawa n'ya rati. Nilagpasan lang n'ya si Jigger at dere-deretsong nagtungo sa ginaganap na photoshoot.
"At least hindi lang pala ako ang nabawasan ng kagandahan sa aming tatlo. " Ani Jess at humalakhak nang mapang-asar.
Napailing-iling na lang ako. Yung totoo, sila-sila lang ba ang nagsasapakan nang hindi ko nalalaman?
Anong mero'n?
Maski kinulang sa modelo, ay naging maayos naman ang takbo ng buong photoshoot. Ang gaganda ng bawat suot nung mga modelo, pati na rin yung theme ay nakaka-excite.
Nag-enjoy na lang din ako sa panonood at paminsan-minsan ay kinukunan ko ng litrato yung mga modelo tuwing nagbe-break ang mga ito. Bawal kasi akong kumuha kapag nakasalang sila sa photoshoot, nasa policy iyon ng comapany, baka raw kasi i-post ko sa social media at maging spoiler para ro'n sa mga nag-aabang ng bagong release.
As if naman. Hindi naman ako pasaway. Pero hindi na lang ako nagpumilit. Baka kasi mamaya ay paalisin pa ako at masira lang ang chance ko na makapanood nang ganoong kagandang photoshoot.
Nakaka-enjoy..
Pero may isang bagay akong napapansin na sumusira sa aking enjoyment.
Si Jigger at si Levi, napapansin ko na kanina pang pinupuna nang pinupuna ni Jigger ang kan'yang kaibigan, maski na kaunting pagkakamali lang at nagagalit na s'ya kaagad dito. Habang si Levi naman ay wala lang imik at halatang naiinis na rin sa kan'yang kaibigan. Parang kaunti na lang ay magsasapakan na ang mga ito.
Mag kaaway ba ang dalawa? 'Wag nila sabihing sila ang nagbigay ng tig-isang bangas sa mukha ng isa't-isa?
Bakit?
Hanggang sa matapos ang photoshoot ay hindi pa rin ako mapakali. Gusto ko sanang magtanong kay Levi. Kaso natatakot ako, para kasing mananapak din ito kapag kinausap mo, ibang-iba sa Levi na nakakausap ko nung nakaraan. Isa pa, baka isipin nito ay chismosa ako.
"Ayokong maging chismosang frog, pero kanina ko pa napapansin hah. " Saglit tumigil sa pagsasalita ang katabi kong si Jess, sumilip pa ito sa dalawang nag-e-empake ng mga ginamit sa photoshoot. "May warlalu ba ang dalawang pabo? " Mahina nitong sabi at inilapit pa ang mukha sa akin.
"Pabo? " Kinunutan ko ng noo si Jess.
"Oo. Pabo.. as in, Papa na bobo. "
BINABASA MO ANG
May The Best Jerk Win
Fiksi UmumAyokong makitang masaya si Cheska noon. Hindi ko gustong nakakaramdam ito na may isa pang nagpapahalaga sa kan'ya, bukod sa mga magulang ko. Naging selfish ako at pilit na inilayo ito sa presensya ni Levi. Nagawa ko iyon dahil sa matinding galit. Pe...