Chapter 1Jeonn's POV
Jeoonnn!!!
Nagising ako pagkatapos kong marinig ang pinakamalakas na sigaw ni mama mula sa kusina sa baba.
Bumangon ka na diyan! At tulungan mo ako dito sa kusina. Sigaw ni mama.
Opo ma! Bababa na po, liligpitin ko lang po ito. Pasigaw ko ding sagot kay mama.
Bilisan mo! At marami pa akong gagawin! Sigaw ni mama ulit.
Pagkatapos kong magligpit dumeretso muna ako sa banyo para maghilamos at magmumog.
Ano ba kasing meron ngayon? Kay aga aga pa ee. Sarap pa naman ng tulog. Ang ganda rin ng panaginip ko. Napanaginipan ko kasi si crush na inaaya akong sabay mag lunch, sasagutin ko na sana umepal lang si mama. Kaya yun tuloy naudlot ang panaginip ko.
Habang pababa sa kusina.
Ohmygashh! Sabi ko sa sarili ko habang kagat-kagat ang sariling daliri.
Bakit ngayon ko lang naalala? Patay ako nito.
Pagkababa ko dumeretso na ako sa kusina kung nasaan si mama.
Good morning, Ma! Sabi ko kay mama.
Buti naman nagising ka na. Alam mo bang naka bente akong sigaw ng pangalan mo? Mataray na saad ni mama.
Pasensiya na Ma. Napasarap kasi ang tulog ko ee! Sorry na Ma. Sabay yakap ko kay mama mula sa likod niya. Yun kasi ang pampalambing ko kay mama ee.
Oh, sige na. Kumain ka na diyan para matulungan mo na ako dito. Saad ni mama.
Yieee!! Thank you Ma! Sagot ko.
Pagkatapos kong kumain tinulungan ko na si mama sa mga ginagawa niya. Siya ang taga luto ako naman ang naglinis ng kusina pati na rin ng salas.
Jeonn! Sigaw ni mama mula sa kusina.
Nandito kasi ako sa labas nag dedecorate para mamaya.
Po? Sagot ko kay mama.
Pumarito ka muna at bilihin mo muna ito sa may bayan! Sabi ni mama at may binigay sa akin ang listahan.
Buti na lang at saktong tawag ni mama ay tapos na akong magdecorate. Kaya naman dumeretso na ako sa kusina kung nasaan si mama.
Pagkakuha ko kay mama ng listahan umakyat muna ako sa kwarto ko upang magbihis.
Kung tutuusin di naman kalakihan ang kwarto sakto lang. May sarili akong tv, cabinet at electric fan.
Nagiisa lang ako sa kwarto ko kasi maganda ako. Hahaha joke lang.
Pagkatapos kong magbihis pinuntahan ko muna si mama sa kusina para humingi ng pambili.
Ma? Eto lang po ba ang bibilhin? Wala na po ba kayong idadagdag? Tanong ko kay mama.
Wala na Je! Sige pumunta ka na ng bayan para maagang ka makabalik rito. Sagot ni mama.
Sige Ma! Bye.
Mag aalas sais ng imedya ako umalis ng bahay kaya wala naman sigurong dalawang oras ang itatagal ko sa bayan para mamili.
Sumakay na ako ng tricycle pabayan.
Pagkalipas ng limang minuto nakarating na ako sa bayan. Inuna ko muna yung mga kailangang bilhin dito sa palengke pero halos lahat naman ay mayroon dito sa palengke.