U

5 1 0
                                    

Chapter 1

Jeonn's POV

Uyy, Babes pansinin mo naman ako. Nansusuyong saad sakin ni Kumag.

Hay nako! Jim. Ako'y tigil tigilan mo. Nakakarami ka na kanina ka pa. Sagot ko sa kanya na nambabanta.

Ehhh, sorry na nga Babes. Biro lang naman yun eh. Sabi niya na may lambing habang hawak hawak ang aking kanang kamay.

Pwes, kung biro yun. Napakasamang biro. Walang gana kong sagot. At saka hinigit ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

Sorry na nga kasi eh. Ano ba dapat kong gawin para tanggapin mo ang Sorry ko? Malungkot niyang sabi.

Alis! Dapat mong gawin ay umalis bago pa ako tuluyang mabarino. Naiinis kong sagot sa kanya.

Sige na nga! Malungkot niyang saad.

Tsk. Kumag talaga. May papout pout pa.

Makalipas ng ilang segundong pag alis niya.
Ang akala ko ay tuluyan na siyang umalis.

Ahm, Babes. May nakalimutan pala ako. Saad niya ng nakangiti.

Tindi rin nito eh. Sobrang kulit.

Ano na naman? Mataray kong tanong sa kanya.

Lumapit siya sa may kinatatayuan ko. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko siya kita.

Pero saktong pagharap ko sa kanya!

Eto. Nakangiti niyang sabi pagkatapos akong halikan sa may pisngi ko.

Nabigla ako sa ginawa niya.

Sheeeetttt!!! Jiiiiimmmm. Sigaw ko at tangkang babatuhin ng unan. Pero huli na ang lahat nakaalis na siya.

Shit. Nababarino ako.

Argghh!! Sigaw ko habang nagpapapadyak at saka pumasok na sa banyo para maligo.

Habang naliligo ako hindi ko maalis sa isipan ko ang mga kagaguhang nangyari kanina.

Flashback

October 20 Sabado

Welcommmeee Bacccckkkk!!!

Masayang pagsalubong ng mga kapit bahay namin kay Jim pati na rin kami nina mama.

Kahit napilitan lang ako

Mga alas otso ng lampas ng makarating si Jim.

Pagkababa na pagkababa ni Jim sa kotse dumeretso siya kay mama at yinakap ito.

Hello po, Tita Nel may mga pasalubong po ako sa inyo. Maligayang saad nito at inabot kay mama yung dala niyang oasalubong.

Hay nako, Jim. Nag abala ka pa pero maraming salamat sayo. Nakangiting sagot naman ni mama habang kinukuha ito.

Walang anuman po iyon tita. Basta para sa mama ng girlfriend ko gagawin ko lahat. Sagot nito habang papasok sa bahay.

Just Your Temporary (On-going) [Slow Update]Where stories live. Discover now