Practice

117 7 1
                                    

JD's POV

Pagdating ko sa bahay, nagmano muna ako kay lola na abala sa panunuod kaya naman dumiretso na ako sa aking silid at nagpalit. Pagkatapos nun ay humilata muna ako sa kama habang nakatitig sa kisame. Punong puno ng tanong ang utak ko.

Kaya ko na ba ulit?

Pano pag may nangyari ulit?

Tapos maiiwan ulit akong mag isa?

Natatakot ako. Sabay angat sa dalawa kong kamay at tinitigan ito. Binaba ko ulit at kinapa ang cellphone ko malapit sa tabi ko.
Nagtext ako kay Rica.

To: Bessie Ica
Bessie, paano pag diko kayang tumugtog? Natatakot ako.

-send-

Parang ngayon palang ay gusto ko ng bawiin yung desisyon ko. Masyado ata akong nagmadaling magdesisyon kanina. Kaya ngayon tuloy parang gusto ko ng bawiin ulit.

"La, nakita niyo po ba yung gitara ko?" patanong kong sigaw kay Lola habang nanunuod siya ng TV.

Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng kanyang mukha. Parang naiiyak na 'diko malaman.

"Para san mo gagamitin apo?"
Aniya ni Lola. Ayaw ko namang sabihing magpapart time ako. Ayoko ding ipaalam na tutugtog na ulit ako. Dapat hindi malaman ni Lola. At tsaka isa pa, 'diko nga sigurado kung handa na nga ba ulit akong tumugtog.

"A-ano La, hihiramin ni Kuya CY, yung kapatid ngay po ni Rica?" Palusot ko at nagdadasal na lulusot talaga siya.

Ngumiti ng bahagya si Lola.
"Akala ko naman ikaw na ang tutugtog, mas gugustuhin ko pa ngang makita ka ulit tumugtog bago ako mamatay"

Nagulat naman ako sa sinabi ni Lola. Para
"La! Wag ka ngang magsabi ng ganyan, matagal pa kayo mabubuhay no. Tsaka, m-maabutan niyo ulit na tutugtog ako."

Tumungo naman si Lola sa kanyang silid at maya't maya pa ay lumabas siya buhat ang gitara ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko na sumasabay sa paghakbang ng aking mga paa.
*LUBDUBLUBDUB*

Feeling ko nailipat yung puso sa tenga ko sa sobrang lakas nito.

Ginala ko ang mata ko sa kabuuan ng gitara ko. Iniabot naman ni Lola sa akin, inabot ko naman ito ng nakangiti.

Gitara ko ba to? Biglang tanong ko sa sarili.

Nagitla naman ako ng nagsalita si Lola. Kaya natuon sa kanya ang aking paningin.

"Oo sayo yan apo, gaya pa din iyan ng dati. Walang oras na pinabayaan ko yan, dahil hihintay ko talaga ang panahon na hahanapin mo ito. Napatagal nga lang apo. Matagal ka din nitong hinintay *sabay tingin at hawak sa gitara ko na hawak ko na* ngunit hindi naman ikaw ang tutugtog" Malungkot na bigkas ni Lola. Nakatitig pa din ako sa kanya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na nauudyok akong tumugtog.

Kinagat ko ng bahagya ang ibaba ng aking labi. Nagpipigil na may masabi dahil hindi pa nga malinaw ang desisyon ko. Nagpakawala nalang ako ng buntong hininga, tumingin muna ako sa gitara ko at kay Lola.

"Salamat sa pag aalaga sa kanya Lola." sabay yakap kay Lola.

"Wala yun apo, alam ko namang napakaimportante sayo niyan. Apo, tandaan mo, wag kang magpapabihag sa nakaraan. Ang nakaraan ay nakaraan na. Kailangan mo ding palayain ang sarili mo. Wag mong hayaang nasa nakaraan ka pa din at baka mapabayaan mo ang kasalukuyan." makahulugang paliwanag ni Lola.
Humiwalay na ako sa pagkakayap kay Lola at nginitian ko siya na pinalitan niya din ng ngiti bilang tugon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Probinsyana StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon