GOOD NEWS!!

96 7 0
                                    

Rica's POV

G? G daw. Ano daw. Anong G? H? I? J? K? Ano daw.

"Bessie, an-?" Hindi nanaman niya ako pinatapos. Kasi nagsalita nanaman siya. 'Di ba niya alam na malalate na kami.

"Rica, tutugtog ako."
Nagulat ako kasi 'di ako makapaniwala sa naririnig ako. Naluha ako at ngumiti. Oo parang tanga. Sobrang saya ko. Simula kasi nung 12 years old siya, tinigil na niya ang pagkanta at pagtugtog dahil na rin siguro sa nangyari.

Lord. Sinagot mo prayers ko. Thank you.

Niyakap ko siya.

"Oi. Alam mo bang late na tayo at wala tayong time para magdrama?" Di ko siya pinakinggan at iyak pa din ako ng iyak. Tinanggal naman niya pagkakayakap ko sa kanya at inabutan ako ng panyo.

"Punasan mo uhog mo, kadiri. Pinunas pa sa damit ko"
Natawa naman ako sa kanya, napaka arte talaga neto.

"Oh, tapos ka na magdrama? Ready ka ba ulit sa Round 2? Kasi mapapahiya tayo, late na tayo ng 15 minutes." Sabay tingin niya sa relo niya.

"Ikaw kasi e. Sige na, mamaya na tayo mag usap. Mapapagalitan tayo ni Sir Niño pag di tayo nakapasok." Sabay takbo naming dalawa. 'Di pa din mawala yung ngiti sa mukha ko.

Tutugtog ulit si JD. Tutugtog ulit si JD. Paulit ulit na sumasagi sa isip ko. Sobrang saya ko ngayon.

[ROOM]

Nasa labas na kami ng room at naririnig na namin ang boses ng terror naming instructor na si Sir Niño. Sobrang nanginig ako. Para akong naiihi sa takot.

Nagulat ako ng biglang pinihit ni JD yung doorknob at hinila ako papasok.

"Go-good afternoon sir, sorry we're late" bati ni JD. Pati siya ay kinakabahan.

Tiningnan kami ng masama ni Sir. Sheeet. Ano na. Ano gagawin sa amin ni Sir. Sa mga sitwasyon talagang ganto ang tumatakbo lang sa isip ko e, Mama gusto ko nang umuwi!
Sobrang pinagpapawisan ako.

"Ms. Genova and Ms. Oval, the trouble sisters. Late nanaman kayo sa klase ko. Hindi porket honor students kayo eh may karapatan na kayong malate sa klase ko. You should be a role model to others. You may take your seat. But! Minus 10 for the activity today."

Waaah waaah. Ayan nakahinga na din ako. Pinigilan ko talaga hininga ko sa sobrang kaba. Huhu. Okay lang, good mood siya ngayon kaya 'di masyadong malala yung pagpapahiya niya.

"Okay sir. Thank you sir. Sorry po ulit" Pabulong na tugon ni JD kay sir.

YEY!! UWIAN NAAAAA!!

Nilabas ko agad yung cellphone ko at tinext si kuya.

To: Kuya Cy
Kuya, tutugtog ulit si JD, sama niyo siya sa banda niyo. Guitarist.
Need your reply. ASAP.
-sent-

Nilingon ko si JD. Ayun, nagliligpit na ng gamit. Ready to alis nanaman yan. Kaya binilisan ko na din mag ayos ng gamit at lumapit ako sa kanya.

"Bessie! Wala ng bawian ha. Tutugtog ka sa Saturday & Sunday sa Plaza" sabay tapik sa braso niya. Ngumiti naman siya ng malamya.

Hala saltik! Ano nanaman problema neto, kanina okay. Tapos ngayon, 'di nanaman

"Bessie, bat ganyan mukha mo?" Sabay turo sa buong mukha niya. Sinimangutan naman niya ako. At pinakita ang text na natanggap niya.
Oh-oh. Bad news.

"Ano yan?" 'Di ko talaga kasi mabasa kahit ipakita niya sa akin ang screen ng phone niya.

"Rica, control number yan. Kukuha akong padala ngayon ni Tita Sabs. Hays. Finorward lang yan ni Lola Ge, sa akin."
Ahhh kaya pala. Si Tita Sabs nanaman pala niya.

"Edi samahan kita?" alok ko sa kanya, baka kasi bawiin niya yung pagtugtog niya e.

Umiling naman siya. Meaning, hindi na daw. Bigla namang nagvibrate phone ko.

From: Kuya Cy
Totoo ba?!!! :O Si Aisha? Tutugtog? Welcome siya. Sobrang good news yan.
-end-

Ngumiti ako at tumingin kay JD.

"Bessie!!!"

At pinakita ang screen ng phone ko, lumaki ang mata niya tapos ngumiti. Hinawakan niya yung kamay ko.

"Thank you talaga Rica ha. Pasensiya na sa abala. Kailangan ko lang talaga ng extra" Naiintidihan ko naman siya. Siya lang mismo nagpapa aral sa sarili niya, scholar ng school si JD, kaya kalahati ng bayad ay sagot ng school. Siya din ang nagtratrabaho para sa kanilang dalawa ni Lola Ge. Kahit tinutulungan na sila ni Tita Sabs niya, mahirap pa din tanggapin ang tulong mula sa kanya dahil na din mismo sa nangyari.

Sabay kaming lumabas at umuwi ni JD, 'diko talaga maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko, siguro ay ganoon din sila kuya. Nakasama na kasi nilang tumugtog si JD at napahanga silang magkakabanda. Niyaya pa nga siyang maging vocalist nila, pumayag na si JD noon, dahil hilig niya ang pagkanta at pagtugtog kaso nga lang, after ng pangyayaring yun, 'di na muling kumanta o tumutugtog si JD.

Probinsyana StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon