++

66 2 6
                                    

bago natin simulan, ofcourse, you need to know that I have dementia. Di ko nalang sasabihin specifically kung ano, basta napakabagal na magprocess ng memory ko. so isusulat ko lang yung mga naalala ko.


way back 2012
shet, 13 years old pako neto. hahahahaha. ang payat ko tapos nakabrace pako nung time nayun.

Di ako lumaki sa pinas. kasi ofw yung papa ko kaya nung mapromote siya, sinama niya na kami dun. Di ko narin sasabihin ang country basta yun na yun.

At thirteen, lagi akong hotspot ng galit ni papa. That time, lagi niya nalang ako pinepressure na matulad sa mga pinsan ko na magagaling sa acads. Tutol siya sa pagbabasketball ko kaya ayun, puro pasa ang inabot ko hahaha. Mas lalo talaga siyang nagalit that one night na nalaman niyang bumaksak ako sa isang subject. Talagang sinuntok niya yung ref namin (hala naging hulk hahahaha). Di ko lang kasi masabi sa kanya na binubully ako sa school eh. Ang hirap kaya mag-aral sa ibang bansa, kasi napakababa ng tingin nila sakin. Kahit anong gawin ko di nila ako matatanggap. acceptance.
Kaya nahilig ako sa basketball. Nung una, laro laro lang. Eh kasi yung mga tropa ko dun mga 'immigrants' din. So samin, pantay pantay lang kami. Nung time nayun, grabe yung lakas ng memory ko. Ako palagi nananalo sa mga papuzzle eh dahil sa sobrang talas ng photographic memory ko.

So ayun nga. After nung magalit siya, dun na nagsimulang mabuo si christopher. Lilinawin ko ulit ha? Hindi ako si christopher. Parang naging split personality ko nalang ang katauhan niya. Nagsimula akong maging conscious, ay hindi, naging praning ako. Parang nagshut down yung sarili ko bigla dahil sa sobrang stress. Nagkulong ako sa kwarto ng ilang araw at umabsent din ako sa school kaya muntikan na akong madrop. Bigla nalang nag iba ang tingin ko sa mundo. May isang malaking pader. Gustuhin ko mang lumabas sa pader nayun pero natatakot ako.

Until such time na napagdesisyunan nila na ipatingin ako sa doctor. That time I was diagnosed with dementia. Talagang pag gising ko wala akong maalala. I mean, hindi naman siya parang amnesia pero marami akong nakalimutan. Nahihiya pa nga ako nun kasi nakalimutan ko spelling ng totoong pangalan ko. That is why my doctor suggested na ipakipag halobilo ako sa ibang tao. Maraming nangyare nun pero time skip muna tayo—



I met her.


Let's call her brianna.

small note: di ako bihasang magtagalog nung time nayun.

So playmate ko lang yun. Tinuruan niya akong magtagalog. She had depression nung time na yun, at napaka suicidal niya. Lagi niya nga akong tinatanong kung gusto ko na badaw mamatay kasama siya, sabi ko "ANO?????????!" talagang nablanko ang utak ko hahahaha. Pero aba! Tinawanan lang ako! Until such time na magkasama na kaming lumaki. Lagi niya akong dinadalaw sa bahay eh. Sabay din kami nagtake ng private lessons. Kaso lang, one day, she had to go back to Philippines.

At first ayaw niya, sabi pa niya magpapakamatay daw siya. I was worried ofcourse. Sinabi ko nalang na susunod nalang ako sa Philippines. Buti nalang pumayag siya. It was hard for me to say goodbye pero sinabi ko sa sarili ko na balang araw hahanapin ko siya. We exchanged numbers at fb.


time skip to 2015
we continued chatting. i asked her to be my girlfriend via videocall lang. and nakita ko na ang laki ng pinagbago niya after nun.

Mas masaya na siya. She was a big fan of kpop also. We had a conversation, not word to word correct but ganito parin yung nangyare:

brianna— "Omo. napanuod mo na yung american hustle lifeee? naawa ako sa bts hahaha"

Diary Ng Gagong PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon