PROLOGUE

4 2 0
                                    

"Help! Kailangan ko ng assistant healer, NGAYON NA!" Mahahalata mo ang pagmamadali sa boses niya pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay matulog. Ang sarap kayang matulog. Lalo pa at ang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Ang ganda na nung nangyayari sa panaginip ko e. May nakita akong napakagandang babae. Sa mata pa lang niya na tila ngumingiti ay masasabi kong mabait siya. Hahawakan ko na sana yung kamay ng babaeng nasa harapan ko na napapalibutan ng puting liwanag. Ipapakita niya daw sa akin yung paraisong kaniyang tinitirhan at inaalagaan. Kung di ba naman sumigaw yung taong malapit lang sa kama ko.

At base na rin sa papalapit na yabag ng mga paa sa likod ng pinto na may kalayuan sa pwesto ko, malalaman mong papunta ang nagmamay-ari nito dito sa loob ng kwartong inookupahan ko.

"Head Healer! B-bakit po?" Masasabi kong nagmadali talaga siya dahil sa patuloy niyang paghahabol ng kaniyang hininga dulot ng labis na pagtakbo.

"Kailangan mong tawagin sina . . . at dalhin dito yung mga . . ." Wala na akong naiintidihan sa mga sinasabi nung tinawag na 'Head Healer' dahil pakiramdam ko ay napakalayo ko na sa kanila. Ang tanging narinig ko na lamang ay ang biglang pagtahimik ng paligid ko at ang panandaliang pagdilim.

Hindi pa man bumabalik ang liwanag ay napapakinggan ko na ang malamyos na boses ng isang babae. Napakasarap nito sa pandinig.

"Ellaine. . ."

Bakit naman ako tinatawag ng boses na yun?

"Ellaine. . ."

Ang sarap pakinggan ng pangalan ko dahil sa tono at pamamaraan niya ng pagbanggit dito.

"Kailangan mong bumalik sa iyong mundo. . ."

Bakit kailangan kong bumalik? Nasaan ba ako? Wala akong mahagilap na alaala kahit isa.

"Hinihintay ka na nila. . ."

Hinihintay? Nila? Sinong nila? Bakit ako? Anong meron? May nangyari ba?

"Lalo na si. . ."

Hindi ko man napakinggan ang pangalang kaniyang binanggit pero may isang senaryo na biglaang lumitaw sa isipan ko. Isang senaryo ng lalaking tangan ako sa kaniyang bisig habang may mga butil na luha ang namumuo sa kaniyang mga mata at patuloy na bumubuka ang kaniyang bibig na wari mo ay kinakausap ako. Hindi ko masiyadong maaninag ang mga nangyayari sa kaniyang likuran dahil sa kaniya lamang nakatuon ang buong atensyon ko.

Sa palagay ko ay may sinasabi ito sa akin subalit hindi ko ito naiintindihan o kaya ay makarinig man lamang ng isang salita.

Nararamdaman kong ang lalaking ito ay mahalaga sa akin. Nakita ko rin ang pagtulo ng luhang pilit niyang pinipigilan.

"Z-zim. . ." Pagbanggit ko sa kaniyang pangalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Veronia Institute Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon