Halos mamatay matay ako sa katatawa, dahil hindi ko akalaing maniniwala silang lalaki talaga ako.
Dahil sa boredom ko sa bahay tuwing wala akong raket sa pagma-mascot sa mga birthday-an, naisip ko ang ipinagbabawal na teknik sa social media. Ang magpanggap na lalaki at magfeeling celebrity/social influencer. Bakit ko nga ba to ginawa? Hindi ko rin alam ang sagot. Siguro sakit ko na ito.
College na sana ako, pero huminto na rin ako sa pag-aaral at pinili na lang magtrabaho para makatulong kay mama. At tumulong sa pag-aaral ng bunso kong kapatid na si Jeremy. Kaming tatlo na lamang kasi natira sa pamilyang ito, magmula ng sumakabilang bahay ang aming makating tatay.
"Hoy! Geraldine Tamayo!" nagulat naman ako kay mama nang makita ko siya sa may pinto ng kwarto. Nakalimutan ko pa lang isara! Agad ko namang sinara ang aking laptop, mahirap na at baka ako ay mabuking.
"Bakit na naman , Ma?!" pasigaw kong tanong.
"Wala ka bang trabaho ngayon? bat nandito ka lang sa kwarto mo? ano na naman yang ginagawa mo ha?!" Dirediretsong tanong ni mama nang mapansin niya ang biglaang pagsara ko sa laptop. Ito na naman tayo, magrarap na naman siya sa akin. Sana pala tinanggap ko na lang iyong alok kanina ni Becky na magsideline muna sa isang birthday-an sa kanto kung ganitong bunganga naman ang ibubungad sa iyo sa umaga.
"Ma! day-off ko ngayon! Wala ba akong karapatang magpahinga?!"
"Tamang-tama! Birthday kasi ng anak ng isa kong kumare sa kabilang compound. Baka naman puwede ka raw mag-mascot?" Napakamot naman ako at agad napakunot ang noo kay mama.
"Ma?! Grabe naman, day-off ko naman kasi ngayon e! Sabihin mo na lang wala ako!"
"Hindi ko naman kasi matanggihan 'yon 'nak! Isa pa, magbabayad naman daw siya." Hindi ko na lang inintindi si mama at dumiretso ako sa kama.
"Genshin theme daw ang birthday party ng anak niya at may Zhongli standee raw sila!" Hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan nang marinig ko ang sinabi ni mama at agad napabangon sa kama. Para bang alam na alam ni mama ang magic word.
"Ma, saan ba yung address?!"
********
Pagod na pagod ako, ka-eentertain ng mga bata. Pero ok lang, sulit naman kasi dahil nahingi ko iyong standee ng paborito kong character sa genshin! May kasama pang freebies at siyempre iyong bayad sa akin.
Bago ako umalis sa venue, may narinig akong hindi maganda sa isang bata, na feeling ko ay kamag-anak nang nagbirthday.
"Mama! Ang panget naman ng mascot na 'yon! Sana man lang si Makdo or Jabilee ang kinuha nila Christian!" maktol ng batang lalake sa kaniyang ina.
"Sinong panget, ha?!" tanong ko sa bata habang naka-pamewang.
"Ikaw!" casual lang na sagot ng bata.
Aba naman! Mga kabataan talaga ngayon! Sa inis ko ay tinanggal ko ang ulo ng suot kong mascot.
"Sinong panget ulit? Ha?" tanong ko ulit sa bata napatingin naman siya sa 'kin. Busy kasi sa paglantak ng pagkain niya.
Na panganga naman ang bata habang nanlalaki ang kaniyang mga singkit na mata. Pati nga iyong kinakain niya nahulog na sa sahig, e.
"Bata sino nga yung panget ha?" muling tanong ko.
"Wa-la po," nauutal niyang sabi habang umiiling.
"Buti naman! Sige, bye na. Enjoy!" sabi ko sabay kindat do'n sa bata. Tapos umalis na rin ako saka sinuot ko na ulit yung ulo ng mascot. Sa ganda kong 'to?! Sasabihan lang ng panget?!
Kapal ko 'no? Ganun talaga! Dapat proud ka, H'wag ikahiya ang mukha.
Nang maka uwi na ako sa bahay, sakto wala pa si mama at ang kupal kong kapatid na si Jeremy. Kaya dali-dali akong dumiretso ng kuwarto at agad nagbukas ng laptop para mag-online at tingnan kung ano na ba ang ganap sa aking poser account.
Maraming mga babae ang nagddm sa akin. Gusto nilang makipag kaibigan. At may isa na nag-aalok pa ng X deal. Well, hindi naman ako marunong sa ganoong bagay. Isa pa, poser lang ito. Hindi ko nga kilala kung sino itong lalaking kinuha ko sa google, eh. Pero may itsura naman kaya ito na lang kinuha ko, saka mukhang 'di rin naman famous. Hindi ko naman puwedeng gamitin iyong mga sikat at magpanggap. Baka madali lang ako mabuko.
Habang nagba-browse ng aking newsfeed. Mayroong nag-friend request sa aking isang magandang babae. At based sa profile picture niya, mukha siyang yayamanin. Pagka-accept ko, sandali lamang ay bigla ako nakatanggap ng message mula sa kaniya.
VOTE | COMMENT | SHARE
BINABASA MO ANG
She's Handsome (REVISING)
Romance[Highest rank #81] Disguise and pretend to be a guy? Kuwento ng isang babaeng poser sa isang social media at nagpanggap bilang isang lalaki. ©kurokuroishi Original - 2014-2015