Chapter 13: Realization Part 2 and Waiting Part 1

7 1 0
                                    

Realization Part 2 and Waiting Part 1

Habang tumatakbo ako,di ko maiwasang tumalon talon dahil sa saya, kung tama ba ang naiisip ko na gusto rin ako ni Andrea! Pagkarating na pagkarating ko sa dorm nila ay agad akong nagtanong sa counter o sa dorm keeper nila.

"Excuse me po,please lang po pwede po ba pakitawag si Andrea."sabi ko sakanya.

"Andrea ano? Anong apilyido?"tanong niya saakin kung anong pangalan ng babaeng gusto kong ipatawag.

"Andrea A. Labayo po."sagot ko ng may unting hiya.

"Please wait for a moment."sabi niya saakin habang nagda dial sa telepono at kinausap si Andrea.

"Ay Sir ano po raw ang pangalan mo."tanong niya saakin habang hawak hawak ang telepono.

"Ma'am pakisabi na lang po na si LOVE OF HER LIFE niya ang naghahanap sakanya."biro kong sabi.

Agad agad namang sinabi iyon ng keeper na ikinagulat ko dahil nagbibiro lang ako.

"Ay Sir wala raw po siyang kilalang ganyan, umalis na po raw kayo"sabi niya saakin habang hawak ang telepono na halatang nasa kabilang linya pa si Andrea.

"Ay Ma'am nagbibiro lang po ako, pakisabi na lang po ma'am na si John Ace D. Villa ang naghahanap sakanya."agad ko namang bawi sa biro ko at sinabi ang pangalan ko.

"Ok po Sir, ay ma'am John Ace D. Villa raw po ang naghahanap sayo."rinig kong sabi ng keeper sa kausap niyang nasa kabilang linyang si Andrea.

Andrea's POV:

Teka...teka lang, anong ginagawa dito ni John. Wait tama ba ang narinig ko na LOVE OF MY LIFE ko raw siya? Wait huwag na muna akong aasa masakit umasa lalo na kung ang taong inaasahan mo ay wala naman assurance at once ka nang sinaktan. So ito, nag-aayos ako ngayon para pag nakita ako ni John ay mahulog kaagad ang loob niya saakin at magka totoo ang biro niya. Agad akong humarap sa salamin, naglagay lang ako ng kaunting make-up tulad ng lipstick at unting polbos. Hanggang ngayon di pa rin maalis sa isipan ko ang mga sinabi niya,para bang nasa langit ako dahil sa mga sinabi niya, ito tuloy bigla kong inisip na sana maging totoo na lang ang sinabi niyang biro.

Ang Torpe Kong Gf [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon