Chapter 5: I'm Leaving

25 2 0
                                    

I'm Leaving

Kakagising ko lang ngayon,oo nga pala ngayon pala ang araw na lilipat na ako sa dorm. Siguradong iiyak nanaman si Mama.

Agad akong pumunta ng cr para linisin ang sarili ko. Pagkatapos kong maligo agad kong binihisan ang matipuno kong katawan at inayos ko rin ang aking buhok. Sabi ko sa sarili ko "Hay, Hirap talaga maging gwapo"sabay tawa ng may pagka sarkastiko.

Pagkababa ko papuntang kusina nakita ko agad si Mama na masayang nagluluto,agad ko siyang tinanong.

"Ma? Good mood ka ata ngayon??"tanong ko sakanya."Anong ganap?"pahabol kong tanong.

" Wala lang anak tumawag lang saakin si Papa mo,tulad pa rin ng dati ang ugali ng Papa mo bolero tulad mo anak..."sabi niya saakin.

"Syempre mana ata to kay Pa."sagot ko naman na may pagka proud.

"Sira ka talaga anak, basta anak, huwag mo akong kalimutan tawagan pag nandoon ka na sa school na papasokan mo, ok?"sabi niya saakin.

"Syempre naman po."sabi ko ng may assurance.

Ayon na nga nagsimula nanaman umiyak si Ma at nag drama. Agad kong niyakap si Ma baka kasi mag collapse siya, pero niyakap ko agad siya at sinabi ulit na susundin ko ang mga rules niya at lagi ko siyang tatawagan,agad naman natigilan si Ma sa pag-iyak nang sinabi ko iyon sakanya.

Ngayon pinaghahanda ni Mama ako ng makakain, kasi sabi niya pagdating ko raw doon sa dorm ehh mag-aayos ako at pagkatapos ko raw mag-ayos baka tamarin na raw akong kumain sa canteen kaya ipinaghanda niya na lang ako.

Oras na ngayon para pumunta ako sa bago kong paaralan. Bago ako umalis ay muli kong nilibot ang subdivision namin at pati ang bahay. Kakatapos ko lang maglibot at ngayon pupunta na ako sa school. Nakita ko nanamang umiiyak si Ma kaya ang ginawa ko niyakap ko ulit siya.

Habang nasa biyahe ako ay hindi ko mapigilan na ma miss si Mama kaya ang ginawa ko kinain ko na lang ang inihandang pagkain niya para saakin habang tinitingnan ang mga tanawin na nadadaanan ng bus na sinasakyan ko.

Ang Torpe Kong Gf [On hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon