"BUWAN SA DILIM"

7 0 0
                                    

Nawari mo na ba kung anong pakiramdam nang isang buwan kung sakaling magkaroon siya ng damdamin tulad mo na isang mortal? Siguro hindi pa.

May ideya ka ba sa sitwasyong meron ang  isang buwan? Panigurado akong wala ka ring ideya hanggang ngayon.

Pwes, ito na siguro ang oras upang pagisipan mo ito ng taimtim.

Ipikit mo ang iyong mata, at buuin sa iyong isipan ang iyong imahe na nakatitig sa maliwanag na buwan.

Isipin mong mabuti , ano na bang nagawa ng buwan sa buhay at pamumuhay mo dito sa mundong ibabaw?

Heto ngayon at sasabihin ko sayo ang alin sa mga yon.

Para sa mga ibang nilalang na nilikha ng Amang Diyos. Bukod sa bituin na katuwang ng  buwan sa madilim na kalangitan.

Nakikita at kinakailangan lamang nila  ilaw ng isang buwan sa tuwing nadidiliman na sila sa landas na kanilang tinatahak pati na rin upang makaraos sa hirap na dulot ng dilim. Ngunit pag nandiyan na muli ang haring araw na siyang naghahari sa kalangitan ay sinasakop na ng nagaalab nitong ilaw ang kalangitan upang  nagbibigay nang malawakang sinag sa mga nilalang sa lupa at  makapagbigay ng malinaw na liwanag na mas kapapakinabangan nila kaysa simpleng ilaw ng isang buwan.

At dahil nga sa naghari na ang makapangyarihang araw, may panibagong liwanag na namang makakatulong sa kanila ay ganoon na lamang  maglalaho sa kanilang  mga mata at alaala ang mga nagdaang oras na humingi sila ng liwanag sa buwan noong nasa kalagitnaan ng dilim.

Kaya kahit magliwanag pa rin ang buwan sa kalagitnaan ng paghahari ng araw ay balewala na lamang ang liwanag nito kumpara sa dulot ng araw. Nasasapawan na ng nagbabaga nitong init ang simpleng liwanag na binibigay ng buwan kaya mukhang laglalaho na ang presensya maging ang liwanag nito sa kalagitnaan ng kalangitan.

Kaya makikita na lamang ito ulit pagkatapos ng mahabang oras na paghahari ng araw.

Lulubog na muli ang naghahari hariang araw tsaka na lamang natin muling masisilayan ang buwan at ang kanyang liwanag maging ang mga mumunting bituin sa langit.

MOUSA: The goddess Of Poetry.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon