"Paghihintay"

176 3 0
                                    


Gaano nga ba ako katagal maghihintay?

siguro pag ika'y nasanay,

sa kakornihan kong taglay,

at sa puso kong sayo ay patay na patay,

handa akong maghintay,
hanggang sa kaya mo na ako ipakilala sa iyong nanay at tatay,

at di ko kailangan ng bantay,
dahil ang puso't pagmamahal sayo'y inaalay,

ang pag ibig ko sayo'y totoo,

at hindi ito basta maglalaho,

kahit pa napaka-moody mo,

matagal mo kong mapapasuko,

Handa ako kahit gaano katagal,
hanggang sa tayo ay maging legal,
at sa ganoon ay lumawig,
ang ating pag ibig,

handa ako maghintay,
hanggang sa ako'y maging matagumpay,

masambit ang matamis mong oo,

ay isa sa mga pinakamasayang araw ng buhay ko,

handa akong maghintay,

makasama ka lang sa iisang bahay,
makasama ang mga batang tatawagin kang nanay,

makasama ka sa iisang bahay.....makasama hanggang sa tayo'y tumanda at mamatay,

By:Jrs✨

SHORT SPOKEN POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon