"Ala-ala"

43 1 0
                                    

Ang ating ala-ala ay napakaganda,
Kaya hindi ko ito buburahin pa,

Tanging ang ating magandang ala-ala na lamang ang meron ka,
Kaya ako'y pagpasensyahan mona sa aking paglayo sinta,

Dahil kinakailangan ko lamang gawin iyon para saiyong ikakasaya,
Kaya ako'y tuluyang naglaho na,

Tuluyang naglaho sa iyong paningin at sa iyong piling,

Pero hinding-hindi ka maglalaho sa aking damdamin,

Subalit marami mang suliranin ay ito'y patuloy na kakayanin,

Marahil yun na lamang ang maigaganti sa iyong damdamin,

Kaya ito'y aking pagbubutihin at pagtatiyagain,

Dahil maganda ang aking inspirasyon,
Dahil para sayo yon,
At dahil ikaw yon,

Hindi man natin kapiling ang isa't-isa ay sadyang ikaw parin talaga,

Hindi ko naisipang umibig pa ng iba,
Dahil gusto kong sayo lang ako sinta,

Ako'y tuluyang naging tapat,
Kahit malayo pa man,
At tuluyan kang minamahal at mas lalong mamahalin pa,
~
~
~
~
~
~
~
~
~
~
~
~
~
~
Ang masakit lang doon ay isa na lang iyong magandang ala-ala...

By:Charie

SHORT SPOKEN POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon