"Kaibigan ll"

29 0 0
                                    

Ikaw ay aking kaibigan,

Kaibigan na aking naging sandalan,

Na handa akong patahanin sa bawat aking pagiyak,

At handa akong pasayahin sa bawat oras na ako'y hindi masaya,

Ang kaibigan kong handa akong damayan sa saya at lungkot,

Napapaisip na lang bigla na hindi ko kaya ng wala ka,

Dahil sa bawat oras ay ikaw ang aking kasama,

Sa bawat oras na ako'y laging lumuluha,

At ikaw ang nandiyan sa aking piling,

Na laging ko nang hanap hanapin,

Pero isang araw na ako'y napaisip kung hanggang dito na lang ba tayo?

O maari tayong maging higit pa sa pagkakaibigan,

Na magmamahalan na higit pa sa kaibigan...na maging isang kasintahan,

Dahil ako?ako ay unti-unting nang nahuhulog sayong matatamis na ngiti,

Nahuhulog sa maamo mong mukha,

At higit sa lahat sa iyong pagaalaga,

Ngunit ikaw ay merong ibang pinupusuan,

May iba kang gustong kapiling,

May iba kang gustong mahalin,

Masakit man isipin na hindi ako ang dahilan ng iyong pagtawa at pagngiti ng iyong mga labi,

Dahil saiyong paningin ay kaibigan lang ang iyong tingin...

By:Loren

SHORT SPOKEN POETRY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon