Nerve 2: The Stranger

138 15 2
                                    


"Hey Chris may assignment ka sa science?" Without me looking I can guess who and where that voice came from. I know it's Lemuel. Nakakatawa lang na iyon agad ang pagbungad niya sa akin pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa classroom namin. Napatango lamang ako bilang sagot saka ako umupo sa tabi niya.

"Pakopya naman oh" Pangiti ngiti pa siya ng sinabi niya iyon

Araw araw ay ganito siya palagi. Alam ko namang itong mga assignments ko lang naman ang habol niya kaya siya nakikipagkaibigan sa akin. Hindi gaya ko ay kilala si Lemuel sa Buong school. Gwapo,  Mayaman, at Matangkad ganiyan mo mai-dedescribe ang isang Lemuel Santiago. Kinuha ko na lamang sa bag ko ang Mini Pad ko saka ko iyon iniabot sa kaniya. Abot langit ang ngiti niya ng ibinigay ko sa kaniya iyon. Sa trentang estudyanteng naririto sa apat na sulok ng silid na nagsisilbing kanlungan namin ay madami ang masasabi kong may kaya sa buhay at sa 800+ nag-aaral dito ay mahigit sengkwenta porsyento ang masasabi kong pinagpala sa aspeto ng pamumuhay. Ang iba pa nga ay may mga sariling kumpanya sa napaka batang edad pa lamang. Ang iba naman ay ipinanganak na mayaman. Buong angkan ay may sariling ipinagkukunan ng yaman, Mga kumpanya, Sa teknolohiya at sa lahat ng bagay ay naka-alalay kaya masasabi kong masuwerte o elite ang ilan sa mga estudyanteng nag-aaral dito pero hindi din maipagkakaila na mayroon ding mga estudyante na pinagkaitan din ng yaman na nasa ilalim lang palagi ng sosyedad.

Napatingin ako sa gawi ni Lemuel at nakita ko kung gaano siya nakatutok sa Pad ko. Binasa pa niya ang ilan saka niya kinuha sa bulsa niya ang transmission wire saka niya iyon sinaksak sa pad ko at sa pad niya at ilang segundo lang ay muli niya itong binalik sa akin. Pasalamat siya at naimbento ang Copy at Paste kung kaya't mabilis na lamang ang pagkokopya.

I take a seat as I hear the mechanical voice. Hudyat iyon na magsisimula na ang unang klase. Binalik ko mula sa aking bag ang Mini pad at ng mapatingin ako sa harapan ay sakto namang pumasok doon si Mrs. Sandoval. Maingat niyang inilapag sa mesa ang kaniyang bag saka siya tumingin sa amin.

"A23" Maikli lamang iyon pero alam na agad namin ang nais niyang ipahiwatig. Umupo kami ng maayos sa inuupuan namin saka namin ini-on ang Nerve Linker namin at pagmulat ko ng dalawang mata ko ay nasa Log in Ground na ako ng Cyber World. Nilagay ko ang Username at password ko sa log in box na nakalutang sa ere at sa isang iglap lang ay nasa isang malawak na kwarto na ako na pinapalibutan ng kakaibang liwanag. Gaya ko ay narito rin ang iba kong mga kaklase habang nakatayo.

A23. Iyan ang server para sa educational programs at activities na ginawa ng school para sa aming mga estudyante at sa subject naming Math ay dito kami naglalagi kapag may activity kami na gagawin. Maikli lang kasi ang oras na magagamit namin sa totoong mundo kaya kapag may mga ganitong activity kami ay dito kami naglalagi upang mahaba ang oras na magagamit namin.

Dito sa mundong ito ay ang totoong itsura namin ang nagagamit namin. Para iyon sa identification at security ng bawat estudyante, Mahirap na kasi at baka daw may pumasok na virus at masira ang system. Nakatayo lamang kami kaya naman madami akong kaklaseng naiinip na sa paghihintay kay Mrs. Sandoval at ang iba naman ay masayang nakikipag kuwentuhan sa bawat isa. Nakatayo lamang ako sa gilid at napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Nakangiting lumapit sa akin si Lemuel ng makita niya ako. Nakatayo lamang kami at hinihintay ang pagpasok ni Mrs. Sandoval and speaking of her ay bigla na lamang siyang lumitaw sa unahan. She fully got our attention when she clapped her hands and just by looking at her I can sense that she has something planning to do. Mga ganitong Activity ay alam kong mahihirapan na naman kami. Bigla na lamang sumulpot ang anim na bilog na Mesa at limang nakapalibot na upuan ng may pinindot siya sa Virtual Screen.

Nagbigay siya ng instructions sa amin pagkatapos ay may lumabas na holographic display sa harapan namin. Parang raffle ang pangalan namin ng dahil sa napakabilis na paggalaw nito, Gaya ng dati ay ang system ang pumili ng kagrupo namin. Mabilis na lumabas sa screen ang pangalan ng unang limang magkakagrupo hanggang sa lumabas din ang pangalan ko kasama ang iba ko pang mga kagrupo.

Artillery Gun OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon