Nerve 3: Am I Ready?

67 5 0
                                    

Gaya ng dati ay mabilis agad akong umalis ng classroom pagkatapos kaming i-dismiss ng teacher namin sa huli naming subject.

Narinig ko pa ang pasigaw na pagtawag sa akin ni Lemuel pero dumeritso lamang ako sa paglalakad na para bang wala akong naririnig. As usual ay paglabas ko ng classroom ay sari saring year at section ang nakatambay sa hallways, benches at mini park ng school. Para silang mga tambay. Mas pinili pa nila ang tumambay kaysa sa umuwi agad sa kani-kanilang mga bahay.

I just shooked my head and ignored them. Pinagpatuloy ko lang uli ang paglalakad na para bang walang pakialam kung may mabangga ako, Sabayan pa ng mahaba kong bangs na nakatabon sa mga mata ko kaya may tendency talaga na makabunggo ako ng ibang estudyante at hindi nga ako nagkamali.

"Are you blind?" She ranted when I bumped into her

Hindi lamang ako nagsalita at tinulongan na lamang siya sa pagpulot ng kaniyang libro na nahulog sa sahig saka ako muling tumayo, yumuko tsaka humingi ng tawad. Hindi na lamang niya ako pinansin pero rinig ko pa ang mahihinang pagbulong niya. Sa kahuli hulihang pagkakataon ay muli niya akong tiningnan ng may pagka disgusto. Hindi ko na lamang iyon pinansin at umalis na lang at dumeritso muli sa paglalakad.


* * * * * * *

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa narinig na paghuni ng microwave tsaka ko iyon nilapitan. Sinuot ko sa dalawa kong mga kamay ang pat holder saka ko kinuha ang naroroong adobo. Dinamihan ko na  ang niluto ko kaninang umaga para sa baon ko sa school at ang matitira ay para sa dinner ko.

Ilang minuto lang ang itinagal ko sa pagkain kaya naman bumalik na uli ako sa kwarto. Dumeritso muna ako sa banyo para mag sipilyo at maligo saka ako umupo sa bedside table ko matapos kong makapagbihis.

Ng buksan ko ang pc ko ay nakita ko agad ang samu't saring mensahe na galing sa Group Chat naming magkaklase at ang mga news na bigla na lang nag pop-up sa screen ng pc ko. Tungkol kasi iyon sa updates ng Online smashers at naka-automatic na ito. Isa isa kong nilagay sa trash ang mga nakuha kong mensahe at natigil na lamang ako ng may nakita akong mensahe na galing sa isang hindi ko kilalang tao. Nasa message request ko iyon at ng mabasa ko ang nakasulat ay nalaman ko kaagad kong kanino galing ang mesaheng iyon.

From Black:

Magkita tayo sa Mini Park ng Vill's Ground

Hindi ko na lamang in-accept ang message request niya at mabilis ko na lamang pinatay ang pc ko at sinuot ang nerve linker saka ako humiga.

Nag ini-on ko ang button na nasa gilid ay naghintay na lamang akong matapos ang countdown at pagmulat ko ay nasa log in ground na ako ng Cyber World. Dito ka unang mapupunta kapag papasok ka sa Cyber world. Secured ang System kaya tatanongin ka if ano ang motibo mo. Pinindot ko ang Gaming at sinearch ang larong Online Smasher saka ako nag log in at sa isang iglap lamang ay naramadaman ko na lamang na para bang nahuhulog ako sa kawalan at pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa loob na ako ng Online Smashers.

Dumeritso agad ako sa Portal na malapit lang sa Mini Park ng game at agad na clinick ang Vill's Ground. Naramdaman ko kaagad na para bang hinihigop ang katawan ko at sa isang kisap mata lamang ay nasa Vill's Ground na ako.

Hindi kagaya sa Mini Park ay medyo kaunti lang ang taong naririto. Tambayan kasi ang lugar na ito ng mga card traders.

May mga Battles kasi ang mga players dito at ang tawag dun ay Card Battles. Bawat cards dito ay may mga effect at sa tingin ko ay Card din ang ginamit ni Finfin sa akin noong bunos round ko sa Archery in other words he cheated. Huli ko na lamang nalaman iyon ng mapagtanto kung hindi lang basta chamba ang pagpili niya ng kulay brown na lobo. Nag activate kasi siya ng card at may effect iyong Lucky Enchant.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Artillery Gun OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon