Epilogue..
"Bat antagal niya?"
"Relax pre! Baka di ka na niya sisiputin! bwahaha!"
*WAPAAK*
"Aruy! Joke lang naman. Kabado ka dyan. Relax lang."
"Andyan na yung Bride! Formation na!"
Sabi nga nila, "Sa hinaba-haba daw ng Prusisyon, sa Simbahan din daw ang tuloy"
Naguguluhan ba mga readers? Okay.
Naalala niyo yung halos late na siyang dumating nun sa simbahan then nag Excuse me siya. Nabuhayan ako nun. Akala ko hindi ko na ulit siya makikita.
After naming magsimba, niyaya ko siyang magmeryenda. Super bait niya talaga. Yun bang Every man's Dream? Yan si Jane. Then tinanong ko siya kung pwede bang sabay siya sakin magrecess palagi sa school.
Araw-araw kami magkasama ni Jane nun. Halos mapagkamalan nga kaming magsyota. Unti-unting nahulog yung loob ko sakanya. Sa sobrang bait niya, sino bang hindi mahuhulog sa kanya.
At napagisip isip ko na panahon na para magtapat na ako ng feelings ko sakanya. Alam niyo kung ano ginawa ko?
Well, sabay ulit kaming nagsimba nun at the day before that, kinuntiyaba ko yung mga taga simbahan na imention ang pangalan ni Jane at saka ako lalabas dun sa harapan. Diba romantic? Advice yan ni Mama. Dun ko balak ipagtapat yung nararamdaman ko.
Then habang ginagawa ko yun, halos lahat ng tao sa simbahan ay naghiyawan ng di oras. Nakita ko naman si Jane na gulat ang mukha habang nakaupo sa upuan namin. Sobra akong kinabahan nun.
Nung matapos na yung speech ko, dun ko din nalaman na mahal niya na rin pala ako. Ako na yata ang pinakamasayang lalaki sa mundo.
Then, nagstart na akong manligaw sakanya. Syempre, ayaw ko naman itake advantage yun. Ipaparanas ko sakanya kung panu manligaw ang tulad ko. Mwehehehe
Ilang weeks din at sinagot niya ako. Ang saya ng araw na yun para sakin. Hindi ko naman pinabayaan ang pag-aaral ko at ganun din siya. Katunayan nga eh nalipat ako sa section nila at magkakalase na kami.
1 year after our Graduation, nagkahiwalay kami ni Jane. Kasi kailangan niyang tapusin yung kinuha niyang course sa ibang bansa. Syempre masakit para samin yun pero tinanggap ko naman. Ayaw ko na siyang mawala ulit kaya sinet ko lahat para pag-uwi niya ay masurprize siya.
Nagpropose ako saknya. Alam niyo yung araw na nagtapat ako ng Feelings sakanya, yun din yung araw na pagproprosan ko. The same din yung nangyari pero mas bongga. At yung date kung kailan yung kasal namin? The day we first met.
And here we are now, ilang minutes na lang magasawa na kami.
Haysstt. Andami naming napagdaan ni Jane. Dati ayaw kung magsimba tuwing linggo kasi tinatamad ako. Then isang araw napilit ako ni Mama na magsimba. Siguro pag hindi ako sumama, hindi ko makikita ang nakatadhana sakin para iharap sa altar habang sinasabi ko sakanya kung gano ko siya kamahal..
The End. . . .
(A/N: Yeah! Tapos na po yung story :'( Bitin ba? Try ko ulit gumawa okay ;) Salamat..
PS. Pabasa naman po nito http://www.wattpad.com/54305126-secret-agent-in-disguise One of my friend's story. Isa rin po ako dyan sa cast niya. Thank you))
BINABASA MO ANG
Holding Hands (One-Shot Story)
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa DESTINY? Yung may tinadhana sayo na mamamahlin mo? Pano kung nameet mo na siya? Pano pag nakausap mo na siya? (A/N: HAHA :D Ang WALEY nuh!? Sige na clck niyo na)