XVI

3.8K 88 2
                                    


NAKAHARAP siya sa telebisyon ngunit hndi naman niya naiintidihan ang pinapanood. Nagtatawanan ang mga kasama niya ngunit hindi naman niya malaman kung ano ang nakakatawa. Tiningnan niya ang mga kasama. Ang tita niya at pinsan pati na rin si Colene ay tuwang tuwa sa pinapanood nila. Pilit niyang inintindi pinapanood nila ngunit wala talaga siyang maintindihan.

Tumayo na lamang siya at nagtungo sa labas ng bahay. May naramdaman siyang lumalakad palapit sa kanya. Tiyak na si Colene iyon. Naupo siya sa plastic na upuan na naroon. Ilang saglit pa ay naupo na rin si Colene sa tabi niya.

"Hindi ako magtatanong. Gusto ko ikaw ang kusang magsabi kung anong problema."

Tumayo siya at sumandal sa may portico. Kapag ganitong wala silang trabaho ay dito ito nagpapalipas ng oras. Kahit naman hindi niya sabihin ay tiyak na alam nito ang ipinagkakaganoon niya.

"Hindi tumatawag si Casey. Hindi nagpaparamdam. Walang kahit na ano."

"Problema ba iyon? Tawagan mo. Kung hindi siya makatawag, ikaw na mismo ang gumawa ng hakbang para tawagan siya." Agad nitong sagot.

"May mali kasi Colene," Tugon niya rito.

"Mali? Anong mali?"

Bumuntong hininga siya. "Hindi kasi ganoon si Casey. Kahit busy siya hindi niya nakakalimutan na tumawag o magtext man lang. Halos tatlong linggo na kasi Colene." Pakiramdam niya ay na-drain siya ng husto matapos sabihin iyon.

"Palagi naman siyang ganoon. Hindi ka pa rin ba nasasanay?"

Bumalik siya sa tabi nito. "Hindi sa pagkakataong ito Colene. There's a difference the last last time we saw each other. Hindi normal ito, hindi dapat ganito ang mga nangyayari."

"Hindi ko maintindihan," kunot-noong pahayag nito. "Ano bang mga nangyari sa inyo na hindi ko alam?"

Tumanaw siya sa kawalan. Wala naman siyang ibang pwedeng pagkatiwalaan kundi ito lamang. Isa pa ay alam naman nito ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Isinalaysay niya rito ang lahat ng mga nangyari simula sa Zambales hanggang sa kaarawan ng binata.

She was speechless for a while. Kinakabahang hinintay naman niya ang sasabihin nito sa kanya Ngunit nakalipas na ang ilang sandali ay hindi pa rin ito nagsasalita.

"Wala ka bang sasabihin?" Naiinip na tanong niya rito.

Tila naman ito natauhan sa sinabi niya. Pabigla siya nitong hinawakan sa magkabilang braso. "Sigurado na ako ngayon na mahal ka nga niya!"

Naiinis na pinalis niya ang kamay nito. "Magseryoso ka nga."

"But I am serious!" Patiling sagot nito sa kanya.

"Hinaan mo nga ang boses mo!" ganting sagot naman niya rito.

"Ang akala ko pa naman Realyn matalino ka. Why didn't you figured out what's going on between the two of you?" Pagpapatuloy nito.

"There's nothing going on between the two of us," she sadly answered.

Ang tinging ibinigay sa kanya ay iyong tila hindi makapaniwala. "There is actually something- no, not just just something, greater than something going on between him and you."

Nag-iwas siya ng tingin dito. "Hindi ko na magawang sumang-ayon sa sinasabi mo. Kung talagang may nararamdaman siya para sa akin ay hindi sana siya ganito. I feel so neglected, Colene."

Tumikhim muna ito ng makailang ulit na nagpangyari upang muli niya itong tingnan. "Kung hindi ka niya pinupuntahan ay may madaling solusyon dyan. Ikaw ang pumunta sa kanya."

Napailing naman siya. "Hindi ko magagawa iyan ng basta."

"At bakit hindi? Rey naman, hindi mo ba naisip na baka ikaw lang pala ang hinihintay niya? Paano kung pareho pala kayo ng nararamdaman? Malay mo ikaw lang pala ang hinihintay niya na magsabi," she forcefully said to her.

"At paano kung hindi?" Agad niyang sagot rito.

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan," nakataas na ang kilay nito sa pagkakataong iyon. "Don't you think it's a long overdue? Sa palagay ko ay masyado ng maraming panahon ang nasayang."

Muli siyang tumanaw sa malayo. She saw vivid images of Casey. Bigla siyang nagkaroon ng kakaibang tapang. Tama ito. Hindi niya malalaman kung hindi siya magtatanong.

You And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon