Kelly's POV
14th
Oo, magdadalawang linggo na pagkatapos ng labanan ng taon ay char lang. Medyo naging normal narin ang lahat. Yung Diary ko nagkakalaman na pero yung kokote ni Ryker hindi parin, naiwan na nga, inabandona, namatayan at sinaktan pero yung takbo ng kokote niya ganun parin
Oo alam ko narin ang tungkol sa pamilya niya kung paano namatay ang mama niya at yung sa side naman ni papa niya. Hay buhay grabi pala ang epekto sa tao nu? Nagkaroon ng saltik eh. Yung tungkol sa bangayan namin? Sus naging okay na kami kulang na lang magpatayan kami. Hey insert sarcastic here
Ewan ko ba kung ano na ang nangyari sa score board na sinasabi ng unggoy nayun basta ang alam ko lang nadagdagan ang score ko. Oh yeah boi
Nung last week nagalit ng bongga si Mojo jojo sa akin. Dahil daw sa akin hindi natuloy ang roadtrip nila ng ex niya sus hindi ba dapat magpathankyou pa siya dahil nilayo ko siya sa isang halimaw na nanakit sa puso niya? Hay Ryker siya na nga ang tinutulungan sus nahiya naman ang bangs kong invisible.
Binato kase niya ako ng mansanas a day before ng prank ko tapos alam mo kung ano pa ang sabi? Eto roll Vtr Hahahah char 'An apple a day keeps anyone away if you throw it hard enough'. Randam na randam ko talaga ng oras na yun ang sakit ng mansanas eh pati ang puno ng pinanggalingan nayun. Nagkabukol kaya ako kaya nagalit rin ako ng bongga nu. Nilagyan ko ng crayola ang window wiper ng kotse niya. Umulan ng gabing iyon kaya naging rainbow hehehe tas yung damit pangporma niya nilagyan ko ng gagamba kaya ayun nilagnat ng bongga
Nandito ako ngayon sa shawarmahan dahil baka mabagot lang ako dun sa bahay dahil wala namang tao dun. Linggo ngayon at wali rin namang pasok bukas dahil holiday. Birthday ni Abraham bukas at naisipan niyang dito sa boarding house magcelebrate. Wala ang unggoy brothers dito dahil nanggrocery sila para sa pabirthday ng taon bukas. At nabalitaan ko rin dadalo ang ex ni unggoy
"Name po?" tanong ko sa costumer. Ako kasi ang kumukuha ng order
"You-know-who" hala nabuhay na pala siya? Naku lintek na to sayang wala akong number ni Harry Potter. Agad kong sinulat sa papel ang pangalan niya at pinahanap ko na siya ng pwesto sa waiter
Pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag narin ang pangalan niya
"Voldemort" tawag ni Luna pero walang tumayo kaya bigla namang kumunot ang noo ni Luna at mas nilakasan pa ang tawag kay Voldemort pero hindi parin siya tumatayo
"Hoy lalake order mo na hu" sita ko sa kanya mabuti na lang at malapit lang ang mesa nya sa akin kaya hindi ko kailangan pang lakasan ang boses ko
"Bakit si Voldemort ba ako?"
d-_-b
"Sabi mo 'You-know-who' at tska diba we don't speak his name?"
"Tsk! Lintek nayan akin na nga yan order ko!" at padabog niya na lang kinuha sa counter ang order niya pero bago siya dumiretso sa upuan niya ay bumaling pa siya sa direksyon ko at pinandilatan ako ng mata pero parang may force field ang katawan ko kaya agad ko rin naman siyang pinandilatan ng mata
BINABASA MO ANG
Every Breath You Take
Fantasía'Music is Moonlight in a gloomy night of life' Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babae at lalakeng pinagtagpo sa hindi inaakalang pagkakataon. May tanong ako sayo, is it possible for a 'in a mission girl' fall in love on a 'Boy who was not done y...