Prologue

20 1 0
                                    

"Aubrey!"

"Hey, what? Inistorbo mo yung tulog ko Alexa"

"It's about Tom" bigla nalang akong kinabahan at ang antok ko ay biglang nawala.

"Anong nangyari kay Tom? Tell me now Alexa, anong nangyari sa kanya?"

"Fix yourself, I'll be there in 10 minutes"

Pagkababa ng tawag ni Alexa ay agad na akong nagbihis, hindi ko maiwasang daluyan ng kaba. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Tom.

Nang may bumusina sa labas ng bahay, alam kong si Alexa na iyon kaya lumabas na agad ako. Pagkapasok ko sa kotse niya tinignan ko agad siya at mas lalo akong kinabahan ng makita kong halos hindi maipinta ang mukha niya napabuntong hininga nalang siya't pinaandar ang sasakyan.

"Aubrey, I want you to calm first and listen to me. My friend told me na nakita niya daw si Tom sa Victoria's at may kasamang babae. Kaya hindi ko muna sinabi sayo baka maghestirical ka nalang bigla"

Napaka-imposible, mahal ako ni Tom.

Hindi niya kaya na lokohin ako.

Dinala ako ni Alexa sa Victoria's, madaming tao dahil friday ngayon. Kinakabahan ako habang papasok palang kami, maliit lang yung lugar kaya nakita ko agad si Tom. Gumaan yung loob ko ng makita siyang nakikipagtawan siya sa mga kaibigan niya.

Lalapitan ko na sana siya ng may biglang lumapit sakanya at niyapos niya ang kanyang kamay sa bewang ng babae. Halos di ako makaalis sa kinatatayuan ko ng biglang halikan ni Tom ang babae.

"Aubrey bakit ka tumigil?"

"Ihatid mo na ako sa bahay Alexa please"

"Bakit asan si Tom?" napalingon na din siya kung san ako nakatingin.

Susugurin na sana ni Alexa ang table nila pero pinigilan ko siya.

"Alexa please, ihatid mo na ako" pakiusap ko sakanya sabay hawak sa kamay niya.

"Aubrey!" bigla ko nalang narinig na may sumigaw sa pangalan ko.

Nilingon ko ito at nakita ko si Tom na halos hindi maipinta ang kanyang mukha sa gulat ng Makita ako na andoon. Halos takbo lakad ang ginawa naming dalawa para lang hindi niya kami maabutan.

Naririnig ko parin ang pagtawag ni Tom sa pangalan ko. Bago pa ako makalapit sa kotse ay bigla nalang niyang hinila ang kamay ko at iniharap sa kanya.

"Babe, kung ano man ang nakita mo sa loob let me explain first, please" pag-uumpisa ni Tom habang hinihingal dahilan ng paghabol niya sakin.

Hindi ko na naitago na mapaluha sa harap niya dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Idadahilan mo ba na lasing ka?"

"I know, mali yung ginawa, di ko kasi ala mano gagawin ko dahil di mo ko kinakausap"

Sa sobrang galit ko di ko napigilan na sampalin siya.

"Dahil lang dun Tom? What a stupid reason."

"Babe I'm sorry, please. Let's fix this, ayokong mawala ka sa buhay ko" sambit niya sakin at nakikita ko sa mga mata niya ang sincere na paghingi niya ng tawad sakin.

Direderetso na ang lakad ko papunta sa sasakyan ni Alexa. Bago ko pa man mabuksan ang pinto, hinawakan ni Tom ang mga kamay ko.

"Please, give me a chance I can fix this"

Sobrang sakit ng ginawa sakin ni Tom, akala ko mahal niya talaga ako pero hindi ko alam kung bat niya nagawa yun. Andaming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon, gusto kong kwestyunin yung sarili ko. I never thought na aabot kami sa puntong ganito na sa halos isang taon naming relasyon, lolokohin niya ako.

"Aubrey, were here na" ngumiti nalang ako kay Alexa at niyakap ko siya.

"Thank you, don't worry magiging okay din ako. Pasok na ako, mag-ingat ka sa pag-uwi mo" ngumiti nalang ako sa kanya.

"Text me if you need anything okay?"

Bumaba na ako sa kotse niya at hinintay ko munang makaalis siya bago ako pumasok ng bahay. Dumeretso agad ako sa kwarto ko at humiga na sa kama ko at tuloy parin ang pag-iyak ko. Halos ayaw parin magsink in sa utak ko na nagawa akong lokohin ng taong mahal ko.

Anong mali sakin?

Bat niya nakayang lokohin ako?

Bakit kay Amber pa?

Bakit sa bestfriend ko pa?

LOVE THAT SEPARATES USWhere stories live. Discover now