Hi! ^-^ Ako nga pala si Hyun Ae.
Para sa akin, hindi biro ang masaktan at manakit ng iba.
Madami tayong nararanasan pagdating ng High School. Pero balang araw, mami-miss mo itong tinatawag nating High School Life.
Life is short kaya tama na ang drama at let's just enjoy life. Matuto tayong maging totoo sa lahat ng tao at higit sa lahat, sa ating sarili. Don't always forget to have faith in God.
Anyways...
Ako nga pala ay isang half Korean and Half Pilipina kasi ang papa ko ay Koreano at ang mama ko ay Pilipina.
Nung paghakbang ko ng High School, madami akong naranasan... Isa akong nerd, loner at weirdo sa mga mata ng ibang tao pero sa harap ng pamilya ko, ako ay mabait at mahiyain na anak ngunit matalino. Isa akong Korean pero dito ako lumaki sa Pilipinas.
Magaling ako magsalita ng Tagalog, English at unti ang alam ko sa Japanese. Ngunit, hindi ako magaling sa pagsalita ng Korean. Sabihin na lang natin na I'm Korean but Filipino at heart.
Maganda pala dito sa Pilipinas. Mayaman ang Pilipinas sa Anyong Lupa at Tubig. Ang Pilipinas ay isang ng 7,641 mga pulo na may kabuoang sukat ng lupa, kasama ang mga nakapaloob na bahagi ng tubig... Oh gulat ka noh dami di ba?
Hindi man kami may dugong maharlika, ngunit ginagamit namin ang aming utak sa tamang bagay o sitwasyon. Halimbawa, alam namin ang tama at mali ngunit lahat naman ng tao diba?
Hindi naman sa pinagmamayabang, ngunit maraming taong nagsabi na mapalad kami dahil kahit na kapos kami atleast nakapagtapos ang aking mga kapatid at may trabaho at may malaking sweldo sila sa ibang bansa. Doon na rin sila nagtayo ng kanilang bahay upang may matirahan. Joke lang yung ibang sinabi ko. Hehe... Ikaw na bahala kung anong gusto mong paniwalaan.
Ewan ko din kung paano ako magreact dito hanggang ngayon... First time ko maging top 1 sa klase. Kasi nung elementary pa lang ako, wala akong paki sa pag-aaral. Puro laro ang nasa utak ko.
Nakatop 10,11,9 din atah ako nun. Tapos naging top 16 nung grade 6 sa 4th Grading. Yata? Pagpasensyahan mo na ako, kabaw na ako... Dahil madalas akong natutulog ng 'di oras. Kaya puro may eyebags, pimples at ma-oily ang mukha ko tapos madalas akong napapawisan sa braso. Everytime na magsusuot ako ng T-shirt palaging napapawisan kili-kili ko at bumabaho. Nakakainis...
Sa Pilipinas ako nakatira. Kaya mainit. Two seasons lang kasi dito- umuulan at umaaraw. First time na pinagtripan ako ng dalawang lalaking manyakis sa public high school. Yung mismong naglalakad ako tapos bigla na lang sila tumatawa tapos nung nagkasalubong kami, yung isa kinarapas o hinawakan ang private part ko... "Ano ba yang kapalaran mo, malapit ka sa kapahamakan.", palagi itong sinasabi sa akin ni mama. Simula nung pumunta kami ng beach. Simula nung nangyari sa amin yun. Unexpected events talaga. Anyways, kung gusto mo pa malaman ang mga ibang nangyari sa akin nung pumasok ako sa publik highschool na yun, ikaw bahala... Stay tune ka na lang sa updates ni Author. Ahaha... Anyways, ito ang sinulat ko sa Diary ko ngayon...
April 25, 2018
Dear whoever is reading this,
According to my observation, People do change. May mga rason din kung bakit nagbabago ang mga tao. Maaaring ang isang rason nila ay nasaktan sila. Pero depende kung gaano kalala ang sitwasyon nila, pinipilit pa rin nila ang sarili nila ngumiti kahit ang sakit-sakit na. Tinatago nila ang totoong nararamdaman nila-gamit ang ngiti at pagtawa. Sabi nila, "Ang mga taong masaya at palaging nagpapatawa o tumatawa, sila mismo ang madaming tinatagong emosiyon o sila mismo ang madaming problema." Ang saklap diba?!?! Sila mismo ang may kailangan o nangangailangan ng atensiyon mo at mga salita mong "Magiging ok din lahat." Ngayon ko narealize na madami akong namimiss na tao. Bakit kaya ganun ang mga tao nu?!?! Kung kailan wala na siya o sila sa tabi mo, doon mo na sila hahanapin o papahalagahan... Kung kailan patay na yung tao, doon mo lang siya iiyakan at sasabihin ang mga gusto mong sabihin. Kaya kung ako sayo, habang nandiyan pa sila sa tabi mo, pahalagahan mo sila, doon mo sila iyakan sa tabi nila at sabihin mong mahalaga sila sayo habang buhay pa sila. Kasi alam mo naman na ayaw mong magsisi sa huli.
Dearest,
Yours Truly ♥♥♥
BINABASA MO ANG
She Believed She Could So She Did
Short StoryAs the crown of her mortar board proudly reads, "She believed she could, so she did." She believes and have faith in God. Let's see if her life will grow beautifully according to God plans for her. *Dedicated to my friend: Paulo *The cover photo is...