Chapter 4 - Card and Enrollment Day

68 2 0
                                    

Hyun's POV

Itong time na ito, wala pa akong boyfriend...

Summer kasi pa ito nangyari at maghi-highschool pa lamang ako. Ibig sabihin, grade 6 pa lang ako dito...

Una kaming nag-usap gamit ang internet... Through messenger...

*Ting*

Unknown message from unknown stranger

Hmmm... Sino 'to?

*Tap*

Siya: Hi! :)

Ako: Hello! Kilala ba kita?

Siya: Hindi.

Ako: Ba't mo ko kinakausap?

Siya: Kasi, I want to know you better.

Ako: Ano ba ang tunay mong pangalan?

Siya: Ba't, gusto mo malaman? Akala ko ba ayaw mo 'kong kausapin?

Ako: Tinatanong ka nga eh.

Nakakairita itong taong ito ah.

Siya: Ikaw muna, anong pangalan mo?

Ako: Ikaw mauna ah. Ako nga itong nagtanong. Haysss... >_<

Siya: Wala tayong magagawa kung ayaw mong ma una magsabi ng pangalan mo.

Nako po! Ang tigas ng ulo nito... Nakakainis >_< !!! Makakapatay na atah ako ng tao sa sobrang inis ko dito sa taong ito!!! Hinayaan ko na siya, hindi na ako nagreply... Pumunta muna ako sa terrace para magpakalma. Habang nilalanghap ko ang sariwang simoy ng hangin at admiring the view of the starry skies. Gabi na kasi... Ang ganda palang pagmasdan ang mga bituin sa kalangitan... Pero kung iisipin, matagal nang patay na pala ang mga ito pero maliwanag at kumikinang pa rin ito. Maya-maya nagmessage siya ulit pero hindi ko pinansin, naligo't nagsipilyo na lang ako tapos pinatay ko na yung ilaw ko at nagdasal at diretso na ako natulog sa kama ko. Nararamdaman ko yung lamig ng simoy ng hangin na galing sa bintana ng kwarto ko kaya nagkumot ako.

Kinabukasan...

Nung pagkagising ko, sabog na sabog itong buhok ko kaya nagsuklay muna ako at nag-ipit ng buhok. Pagkatapos, nagsipilyo ako at naghugas ng mukha. Para may silbi naman ako, naghanda na ako ng makakain namin ni mama tutal bakasyon naman kaya tutulungan ko muna siya sa gawaing bahay. Ang sarap pala sa pakiramdam na tumulong sa magulang. :) Nung pababa na si mama, nakita niya ako na nagising ng maaga at naghanda ng makakain sa umaga, ngumiti siya.

"Morning, Ma!", bati ko kay mama habang nakangiti.

"Oh himala, nagising ka ng maaga. Anong nakain mo, May?", aniya habang nagulat.

Nagmano ako kay Mama.

"Wala pa naman po akong nakakain, Ma. Nakatulog lang po ako ng maaga at heto ako ngayon, nagising ng maaga."

"Sana palagi mong gawin ito, anak.", tumingin sa akin si mama at ngumiti.

"Mas mabuti pang tumulong ka sa gawaing bahay kaysa nandiyan ka palagi nakatutok sa cellphone mo. Pinapaalalahanan kita, baka sa katamaran mo, walang lalaki magkakagusto sayo.", pagbibiro ni mama.

She Believed She Could So She DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon