Chapter 2 - First

45 2 0
                                    

Hyun's POV

Para sa naging una at pangalawa kong boyfriend.

Lahat naman ng tao, nakakaranas nito.

Una sa lahat, ayoko ng taong may pekeng attitude, judgemental, yung taong mabait kapag kaharap mo tapos pag nakatalikod ka na, pagsasabihan ka ng masama, hindi marunong mag-keep ng sekreto at kilala ka lang pag may kailangan; kumbaga ginagamit ka lang niya.

Dahil hindi ko alam mag-react sa nangyayari hanggang ngayon. Nangyari sa akin ito...

I want this to be my first and last mistake.

Masakit pa lang umasa. Lahat naman tayo nasasaktan diba?!?!

Kamusta na past niyo, maganda ba?

Karamihan sa tao kasi hindi maganda ang nakaraan nila.

Meron na ding nanligaw sa akin.

Totoo pala na, kapag sinabi mo sa crush mo na crush mo siya, ma-pride na siya. Pride mismo ang pinapairal niya. Ako nga, nung sinabi ko sa crush ko na crush ko siya, nako po! Yumabang na siya! Ang yabang! Naalala ko pa, lumayo siya sa akin at nung tumagal na, yumabang siya...

Nung first year pa lang ako, madaming nagkakacrush sa akin. Kung bibilangin ko, apat ang nagkakacrush sa akin sa klase. Ewan ko kung joke lang nila yung iba. Ngunit, hindi ako nagseryoso sa mga naging boyfriends ko. Dalawa na ang ex ko. Hindi ko pinaalam ni mama, kasi hindi ako seryoso sa kanila.

Nung una kitang nakita at nakilala, nasa isip ko dream crush kita. Ewan ko ba kung bakit? Kay dami-dami nang tao sa mundo. Bakit ikaw pa? Bakit? Nagsisi ba ako na iniwan kita? Hindi. Akala ko, ikaw na. Ikaw na mismo ang magpapasaya sa akin. Ikaw na mismo ang tamang tao sa akin. Ngunit, para sayo, pinaglaruan mo lang mga nararamdaman ko at masyado atah akong nagmamadali. Ewan ko nga ba kung paano ka naging ganyan. Manloloko na nga, timer pa. Oo, aaminin ko naging tayo. Ngunit hindi pa pala sapat ang ugali kong mabait. Hindi ko namalayan na manyak ka pala. Tinaas mo palda ko ng unti at ginawa mo pa akong silipan. Bastos ka talaga! Masakit pero ito ang totoo. Hindi tayo bagay para sa isa't-isa. Ewan ko nga ba kung bakit mong piniling manloko kaysa sabihin na lang ang totoo. 'Di ba sabi nila, "The truth will set you free!". Bakit kaya ang hirap sabihin at gawin ang totoo pero ang dali-dali gumawa ng mali. Nung nagkaroon ulit ako ng bagong boyfriend, kinukulit mong tinatanong sa akin na crush ko ba siya o mahal ko ba siya. Pero hindi ko sineseryoso. Yung una kong naging boyfriend, akala ko seryoso siya. Ewan ko nga ba, bakit ko ba siya sinagot? Kung hindi ko naman alam ang ugali niya... Ang mangmang ko kasi binigyan ko pa siya ng second chance. Dahil ba naawa ako siguro sa kanya?!?! O, 'di kaya dahil tinanong o sinabihan ako ng ibang tao kung sasagutin ko ba siya o hindi? Naalala ko pa, mas kinikilig pa nga yung mga klassmates natin. Yung isa, tinanong ako kung crush kita... Sabi ko, "No comment" .

Sa pangalawa kong naging boyfriend... Maraming salamat dahil kahit na maliit na bagay napapasaya mo ako... Kakaiba ang panliligaw niya sa akin. Siguro para sa akin, kakaiba ang panliligaw niya sa akin dahil first time ko lang naranasan na ako ay ligawan. Sweet and caring pala siya. Naiintindihan naman kita kung bakit ka nakipag hiwalay sa akin. Binigyan mo naman ako ng explanation... Yung explanation mong na gusto mong magpokus sa pag-aaral mo... Naalala ko pa yung mga oras na nililibre mo ako ng palamig at tuwing uwian kasama kita at ang ating barkada, kapag sasakay na ako, ang sasabihin mo sa akin, "Bye, ingat!" Namimiss ko na nung nakakausap pa kita... Pero bakit ngayon, hindi na kita malapitan at makausap ng normal lamang?!?! Hindi naman ako galit sayo. Ako pa nga dapat ang magsorry sayo eh... Dapat hindi na lang kita pinayagan na manligaw sa akin. Dapat pala hindi na rin kita sinagot kasi alam naman natin ang mangyayari sa huli na mawawala din ang tayo. Nagsisisi tuloy ako. Sana kung wala kang naramdamaan sa akin, eh 'di sana nag-uusap pa tayong magkakabarkada. Hindi ako masyadong close sayo at sa barkada natin. Pero palaging tayo at barkada natin magkasama tuwing uwian. Naalala ko pa yung mga sekreto nating magkakabarkada.

She Believed She Could So She DidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon