Prologue

10 0 0
                                    

Ang sakit lang na mapagbintangan ka sa mga kasalanan na hindi mo naman ginawa, na kahit anong pag-angat mo sa sarili mo para mapabilib mo ang mga taong nakapaligid sayo pero sadyang may mga tao nga lang talaga na sisira at sisira sayo.Hindi lang mga tao na kaibigan,may galit at pinaplastic mo pero masakit yung taong pinagkatiwalaan mo, yung mismong kapatid mo ang tumraydor sayo.

"Im so dissapointed at you"umiiling iling pa si Mama habang nagsasalita at halatang nanggagalaiti pa din.Hindi man lang nila pinakinggan ang eksplanasyon ko o kahit ano na pwede kong ipaglaban ang lumubog na pwesto ko sa pamilyang to.

"Mama, Im telling the truth.Hinding-hindi ko po kayang gaw--"hindi ko natuloy sasabihin ko kasi biglang umepal ang traydor kong ate.

"Liar,kitang kita ni Mama ang pinaggagagawa mo"umiirap pa siya naiiyak na ako pero wala nang natulong luha sa mga mata ko nagmamanhid na pati damdamin ko.

Tinignan ko si Ate ngumiti lang siya sa akin.I want to kill her.Napatingin naman ako kay Mama nanggagalaiti pa rin siya.Si Papa naman lumabas,naalala ko nanaman kanina pagkatapos niya akong sampalin.

"Magpapahangin muna ako baka makasampal pa ako ng muntik ng sumira sa pangalan ng mga Ramirez"sabi ni Mama tsaka nagwalk-out at padabog na sinara ang pinto.

"Bye,LOSER"maarteng sabi ni Traydor
"Good bye,BITCH"i mimicked her voice.

Nagirapan lang kami tsaka siya lumabas at umakyat naman ako sa kwarto ko.
Magpapahinga na lang muna ako grounded nanaman ako panigurado iba na kasi to eh sobrang lakas ng paratang kahit hindi naman totoo.

Nagsimula nanaman bumigat ang dibdib ko parang sasabog na sa sobrang sakit naalala ko pa yung mga masasayang memories namin ni Ate grabe halos di na kami mapaghiwalay pero ewan simula kasi dati lagi kaming nagaaway dahil sa lalaki actually 23 na lahat nang naging ex ko pero lahat sila ginamit ko lang.Alam ko na sa sarili ko na may galit talaga sakin si Ate simula sa first boyfriend ko na tumagal ng 4 months sinulut niya na pero di ko na pinansin yun pinagbigyan ko na lang siya, sabi ng kabilang bahagi ng utak ko "Tinatraydor ka nan
Huwag kang magtiwala sa kanya"pero mas nanaig pa rin sakin na hindi magagawa sa akin yun nang ate ko dahil halos sa 18 years ko na siyang kasama sa mundo tsaka niya pa ako tatraydurin dapat noon pa dapat pero alam kong mahal niya ako at nginit hanggang sa 23rd boyfriend ko na tumagal ng 2weeks ay kinuha niya rin pero kinompronta ko na siya ,umamin siya at totoo mga hinala ko sa kanya kahit kimpronta ko siya pinagpapatuloy niya parin ang mga katrayduran niya.Ngayun nagsisimula na siya sa pamilya namin at alam kong tapos na din dahil matagal niya na pa lang sinasabihan si Mama at matagal na rin niya tong plano.

Hindi ko alam na tutulo tulo na pala luha ko kanina pa mabilis ko yung pinunasan gamit ang kaliwa kong kamay  tsaka ako umupo at tinaas ang paa ko sa kama at pinatong ko ang ulo ko sa tuhod  ko nakapikit lang ako.

Iniisip na ano ang mga dahilan ni Ate kung bakit siya galit na galit sa akin.

Nang makarinig ako ng katok ay umayos ako at pinunasan mga mata ko ayokong makita nila na umiyak ako.

Si Mama pala.

"I already made my decision"malamig ang tono ni Mama.

"What do you m-mean p-po?"kinakabahan ako habang nagsasalita ako parang hindi pang grounded ang atrasong hindi ko ginawa parang damay non ang RED CODE ibig sabihin todo na ang pagkawala ng pasensya niya at sagad na siya.

"Dahil sa nagawa mong to muntik na tayong masira diba?"ganun parin malamig pa rin ang boses niya.

"Ma,h-hindi nga po a-ko yu-"nanginginig na nga ang boses ko pinutol pa ni Mama ang sasabihin ko.

"PERO MAY EBIDENSYA,KAHIT GUSTO KITANG IPAGTANGGOL H-HINDI KO KAYA PARANG SASABOG AKO SA MGA NALAMAN KO AT KAHIT NA AYAW KO ITONG DESISYON NG TATAY MO AT ATE MO KAILAN TONG GAWIN PARA MAG-TANDA KA 18 YEARS OLD KA NA DAPAT ALAM MO NA GINAGAWA MO PERO HINDI!"iiling iling siya na para bang ikakamatay ko ang kasalanang hindi ko ginawa at napagtataasan niya na ako ng boses ngayon na kahit kailan ay hindi niya ginawa kasi kahit kailan hindi nila hinahayaan na madapa,dapuan ng kahit anong insekto at awayin ng iba.

Pero ngayun wala kahit sabihin kong magpapaliwanag ako wala pa din.

Di na ako nakapagsalita

"Bumaba ka,dun natin paguusapan ang mga dapat pagusapan about sa parusa mo"pagkasabi ni Mama nun ay dire-diretso siya sa may pinto para lumabas.

Napaupo na lang ako at napatulala di ko na alam gagawin ko parang ako lang magisa sa buhay ko parang ulila ako ngayon.Di ko namalayan na tulo na pala ulit ang luha ko.

"Pinapalayas na kita Miracle"diretsong sabi ni Papa.

"P-pano p- bakit po?"nalilito na ako.

"Huwag kang mag-alala pinaayus ko na lahat ang kailangan mo,matuto kang maghirap muna ngayon eto ang parusa namin sayo kada buwan ang pera mo P10,000 lang"

"P-ero Papa bakit po?"naiiyak na ulit ako di ko alam kung ano pa ang nararamdaman ko para lang akong basura na itatapon nila kung saan nila gusto.

"May titirhan ka na,sa Batangas ka muna titira harapin mo minsan ang hirap ng buhay dapat alam mo na kung paano magtipid at hindi kumuha ng pera na pinaghirapan ng iba!"hindi pinansin ni Papa ang sinabi ko tuloy tuloy siyang nagsalita.

Ang sakit sa loob loob na ganito sila.

"Lahat ng kailangan mo ay nandun na tsaka na ulit tayo magkita kapag nagtanda ka na,malaman mo ang halaga ng pinaghirapan ng iba makikita mo dun sa titirhan mo"malamig ang tono ng boses ni Papa tsaka siya nagwalk-out at sumunod naman sa kanya si Mama na kanina pa tulala at walang imik.

"Oo nga pala Sissy,bukas na alis mo babye"halata sa muka ni Ate Racle na masaya siya sa paglayas ko bukas.

Di ko na alam gagawin ko bahala na si batman bukas tanggapin ko na lang to kunwari joke lang to parang JUST GO WITH THE FLOW na lang kahit sobrang sakit na kunwari kaibigan ko na lang sila at gusto nilang magbakasyon ako kasi mas makakabuti sakin.

Kung makakabuti ba talaga

Untitled LoveWhere stories live. Discover now