"I don't care what people say when we're together.You know i wanna be the one to hold you when you sleep,I just want it to be you and I forever.I know you wanna leave so C'mon baby be with me so hap----"nakanta ako ng may bunihin na gunggong ang biglang sumulpot.
"Kanta-kanta pa para namang baboy na kinakatay"pang-asar na sabi ni Zayn na gwapo nga sarap naman bangasan sa mukha with matching super kick
"Tse!maganda naman ako."dagdag ko sa muka niyang gwapo.
"Maganda ka?"tanong niya pero halata mong nang-aasar.
Hindi ko na lang siya pinansin tsaka tinuloy pagsasampay ko ng damit.Dumiretso naman siya sa loob ng bahay dahil alam niyang wala akong balak na sagutin pa siya.
Dito na ako nakatira sa kanila,sila ang tumulong sakin nung naglayas ako.OO NAGLAYAS AKO KASI AYOKO NANG AKO ANG PINAPALAYAS GUSTO KO AKO LALAYAS. Yun hindi na talaga nila ako tinry hanapin kasi WALA TALAGA SILANG PAKE.Simula rin ng tumira ako dito nagiba na ang ugali ko,di na ako marunong mag-gasta ng pera basta at marunong na din ako sa gawaing bahay.Simple lang ang buhay dito mababait pa ang mga tao mula paglagising mo ng umaga babatiin ka kaagad pero pag si Nico ang bumati sayo baka suntok pa ibati mo sa kanya.
Malaki ang bahay na to,parang Mansion mas malaki pa to sa bahay namin kaya lang naman ako nagsasampay kasi super nakakahiya na talaga sa may ari nitong bahay,nagtatrabaho din ako sa may Canteen para may pera ako at di nagpapakasarap dito sa Mansion ng mga Zendolia, nililihim ko kasi yun sa kanila.Naghumming na lang ako para di na marinig ni Zayn.
"AHHHHHHHH! WALANGYA KA ZAYN!!!"paiyak na ako sa sobrang takot.Tawa lang siya ng tawa nakahawak pa sa tyan niyang may abs na anim 'letse ano bang pinagii-isip ko takot ako diba?takot ako!hindi nang mamanyak'
"G-g-rabe w-ait lang di ako makahinga"sinundan pa yun ng sexy chuckle niya ahhhhh naiinis ako sa itsura ko ngayun haggard na naiinis na namumula pa ata
"San mo nakuha yang palakang yan?Ang araw araw o"tinuro ko yung araw.Wala na pala madilim na kasi natatakpan na yon ng makakapal na maitim na ulap tapos naambon na pala.
"Antanga mo talaga,sayang lang pagsasampay mo"natawa pa din siya pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya.
"Kinabahan ako dun sa palaka letse ka!!"naiinis pa din ako."Arte mo naman!"sabi niya pa.
Napaupo si Zayn baka magpapahinga kakatawa niya.
Biglang lumakas yung ulan nagkatinginan kami at sabay ngumisi tsaka ko lumapit kay Zayn
"TAYA KA BAKULAW!" Takbo ako ng takbo hanggang sa nasa gate na ako naabutan niya na ako! Lapit atras kaming dalwa.
Hanggang sa wala na akong maatrasan nakasandal ako sa gate.Pati yung muka niya sobrang lapit nakanguso pa siya hahalikan niya na ako.
Jowk lang nauntog lang ako kase biglang may nagbukas ng gate yung gwardya pala may hawak na kape.
"Hi Kuya Dudes"nakangiti ako ng super wide.Ang saya ko nadapa kasi si Zayn.Oo nadapa nga siya.Pagkauntog ko kase tumayo agad ako eh mabilis ako kumilos di alam ni Zayn na may nagbukas ng gate dapa tuloy siya.
"Hala Ma'am Mira anong nagyari kay Sir Zayn?"nagtatakang tanong ni Kuya Dudes samantalang ang sama ng tingin sakin ni Zayn at puro putik ang damit niya kahit ang muka niya natalsikan na rin puti pa naman kaya mas lalo kong na kita ang abs niyang bakat sa sando niya kahit yung nipples niya napahagikgik na lang ako sa nakikita ko baka mahalata niya pa ako kaya habang nahagikgik ay lumingon ako sa ibang direksyon na para ba akong baliw alam ko yun.