LAFS. [Kwentong Limang Tagay.]

4.9K 107 12
                                    

LAFS.

Ni: CorrectionFluid

Hindi ako naniniwala sa love at first sight.

Unang – una sa lahat, para sakin, isa ‘yang malaking kalokohan. Ano ‘to?! Unang kita mo pa lang, mahal mo na kaagad?! Di ba pwedeng crush muna?! O kaya pagnanasa?! Psh. PBB Teens. O sa mas malalimang pananalita, cliche na teleserye. Paulit – ulit lang. Nakakasawa.

Pero anak naman ng dagat.

Ay mali, erase – erase. Susyal ako e.

Son of a beach.

Hindi ko naman kasi akalain na isang araw, kakainin ko rin ‘yang sinabi ko. Ako yung tipo ng tao na hindi umaamin sa pagkakamali niya. Ako yung tipo ng tao na ma – pride. Ako yung tipo ng tao na epal.

Matigas ako e. Hard.

Kaya nga son of a beach talaga.

Uhm, paano ko ba ike – kwento?! Hindi kasi ako magaling sa mga ganito e. Hindi ako writer. Hindi ako reader. Hindi ako speaker. At higit sa lahat ..

Hindi ako maganda.

Listener ako. Listener lang.

Isang araw, nagulat na lang ako kasi mukhang nakalunok ako ng hollow – block at nararanasan ko na yung isa sa mga pakiramdam na isinusumpa ko. Son of a beach.

Ang tahi – tahimik ng buhay ko, bising – bisi ako kaka – daydream sa mga papa na nameet ko sa koreanovela, tapos biglang – bigla .. nabulabog na lang ang buhay ko?!

Paano ba naman kasi ...

Dumating kasi siya sa buhay ko.

L.A.F.S.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon