At.

1.8K 69 14
                                    

***

At.

 

E sa totoo lang talaga, uwian ang peg ko araw – araw. Magmula Fairview hanggang UST. UST tapos Fairview. Apat na taon ko nang ginagawa ‘to and so far, so good. Wala pa namang nangyayari saking trahedya o ano pa man.

Nasa bus ako ngayon dahil babalik ako sa UST.

Wala kasi akong pasok, Wednesday kasi. Kung may isang swerte siguro sa pagiging archi student, yun e ang buong restday isang beses sa isang linggo. Wala rin kaming Saturday class, kaya ang swerte lang talaga.

“San ka miss?!”

 

“UST kuya.”

 

“Estudyante?!”

 

Hindi ba obvious na estudyante ako?! Ay siguro hindi, kasi naka – uniform at ID’s lang naman ako. Hindi ba obvious sa naghuhumiyaw kong School ID at Press ID na isa pa lamang akong hamak na mag – aaral?! Hindi ba obvious?! Hindi ba?! Tell me!

 

“Hindi. Senior po.”

 

“Isang senior, UST. 25 pesos.”

 

“Ay grabe, sineryoso ni kuya.”

“E yun ang sinabi mo e. Ikaw, san ka?!”

 

“UST. Senior.”

“Huh?!”

Napatingin ako doon sa nagsabi na senior siya. Katabi ko pala. At anak naman ng dagat.

Son of a beach talaga.

Iyan ba?! Iyan ba ang mukhang senior?!

E ang gwapo niya kaya?! Oo na, ang landi ko ngayon, at nagmo – moist yung salamin ko dahil sa sobrang pagnanasa sa kanya. Lumundag yung puso ko dahil hindi naman halata na sobrang nabigla ako sa pinaggagawa niya. Imagine, gayahin daw ba yung infamous line ko kay kuya!?

“Senior ka rin?! O siya. 25 pesos din.”

 

“Salamat kuya.” Sagot niya kay kuyang konduktor.

Tahimik lang ako este kami buong byahe. Nagbabasa siya ng handouts niya e, alangan namang istorbohin ko siya at makipag – FC ako. FC as in Fling Close. Haha! Ang landi ba?! Sorry na, minsan lang ‘to kaya pagbigyan niyo na.

Ewan ko kung anong college nito, dahil naka – civilian siya. Siguro, may event or activity sa college nila kaya casual clothes imbes na uniform ang suot niya.

Ako naman, nagsa – soundtrip lang.

NP: Kailan by MYMP

 

Ano ba yan, ang korni, teka nga mapalitan.

NP: Run to You by Lady Antebellum

 

Sorry na lang kuyang gwapo na vocalist ng LA, wala ako sa mood na makinig ng mga country music ngayon. Change!

NP: Far Away by Nickelback

 

Ene be nemen te?! Masyadong senti. Hindi ako emo no. Psh. Lipat.

NP: Out of My League by Stephen Speaks

 

Hmmm .. pwede na rin. Hehe. Ang gwapo lang ng boses ni SS, tapos ... nakakakilig pa ‘yung piano music tapos .. ang ganda pa nung lyrics tapos ..

Dagdag pang ang gwapo nung katabi ko ngayon.

Syet. Nagnanasa na ata ako sa kanya. Sorry po Lord, nagkakasala ako nang hindi ko sinasadya, pero gusto ko pong sadyain.

Napatingin na lang ako sa kanya.

Nagulat ako dahil nakita ko na medyo napipikit – pikit na siya dahil sa handouts na binabasa niya.

Naging bisi pansumandali yung utak ko dahil tinitingnan ko ‘yung “handouts” na binabasa niya. Liban sa isang subject na natawa ako kasi, pareho naming kinukuha, napakunot ang noo ko dahil sa  isa pang nakita ko.

Pero hindi ko muna ike – kwento. Syempre, pa – suspense effect muna.

And the next thing I knew,

Bigla na lang may ulong sumandal sa kaliwang balikat ko.

L.A.F.S.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon