***
First.
Nagmamagdali akong bumaba ng bus. Pano ba naman kase, mag aalas – dose na. At dapat, alas onse nandoon ako sa office dahil iyon ang schedule ng exams namin para sa mga new applicants.
Takbo. Pasok sa building. Swipe ng ID. Hi kay kuya manong guard. Takbo. Pasok sa elevator. Hi kay ateng elevator.
Kung tatanungin niyo ko kung anong nangyari kay kuyang nakalibre ng sandal sa balikat ko?!
Ayun. Paggising niya, nagulat siya kasi wala na siyang damit.
Ni – rape ko kasi. XD
Choz! Joke lang. Kayo naman, di kayo mabiro e.
Uhm, ano kasi .. ganito ‘yun.
E di sumandal na nga siya no?! Tas alam niyo ‘yung feeling na parang nasa cloud 9 ka at 7th heaven!? Ay grabe lang mga tsong. Ang bangu – bango niya. Mainit – init pa. Kumbaga sa ulam, siya yung bagong luto e. Ang sarap lang kainin. Rawr.
Mula Fairview hanggang Welcome, nakasandal siya sa balikat ‘ko.
Tas nung malapit na kami sa Maceda St. ..
“Uhmmm .. Ay sorry, nakatulog ba ‘ko?”
“Oo e. Pero okey lang, don’t worry.” Syet! Bakit ka nagising agad?! Mabaho ba ‘ko?! As far as I’m concerned, naligo naman ako kanina ah.
“Sorry ulit. Nakakahiya.” Sagot niya.
Ang kulit naman nito. Okey nga lang sakin e. =___=
“Okey nga lang.”
“O, pano .. bababa na ‘ko a?!”
Kuya! Pwedeng wag muna?! Pwedeng mamaya na?! Wag mo kong iiwan!! Kuyaaaaa!!
Ang OA ko na syet.
“Sege. B-bye.”
“Nga pala,”
“Oh?!”
“See you later.”
Weh?! Guni – guni ko lang ba yun o sinabi niya talagang see you later?!
Hmm .. Nevertheless, tama na ang muna ang kalandian. Kelangang harapin at gampanan ko ang aking mga tungkulin.
***
Pagkarating na pagkarating ko sa office.. anak ng teteng. WALA PANG TAO!! Nauna pa ‘ko?!
“Late na nga ‘ko tapos wala pa sila?! Or siya?! Or kung sino man?! Psh.”
Binuksan ko muna yung aircon, ilaw at pati na rin yung cabinet na pinaglalagyan ko ng answer sheets.
Tapos, naupo.
Dumating na si assumerong assoc. ed.
“Oy, buti nandito ka na?! Aga natin bok a?!”
“Aga your face! Anong oras na?! 11 kamo diba?! O asan na ‘yung old applicant na mag – eexam?!”
“E bok, wag ka naman masyadong high blood. Kung makasigaw ka parang ang aga mong dumating a. If I know kararating mo lang din naman.”
“Peste ka. Asan na nga siya?”
“Nagtext na medyo male – late lang dahil dumaan pa raw siya ng dorm para magpalit ng uniform.”
“Galing naman. Isang oras siyang late ha.”
“At least hindi siya yung EIC.”
“Gagu! Mag – resign ka na nga!”
Maya – maya, may kumatok sa office at napanganga na lang ako dahil ...
“Ikaw?!”
BINABASA MO ANG
L.A.F.S.
Short StoryIsang bus. Isang pagkakataon. Isang pitik. Isang pagsagot sa hamon. Naniniwala ka ba sa tinatawag nating "love at first sight?"